FAIRY TALE 28: The Brokenhearted People

7 0 0
                                    

KHALLIELEYA

Hindi pinapasok sa paaralan gawa ng utos ni Papá. Nalaman nito ang nangyari sa akin kaya nananatili ako ngayon sa palasiyo. Nahanap na rin nila ang apat na lalaking mga tauhan ng Unverferth makalipas ang dalawang araw simula noong insidente na iyon.

"Khally? Bakit wala kang kasama dito sa hardin?" Nilingon ko siya at ngumiti.

"Hindi na po kailangan, Sir. Codhille." Pailing kong sagot sa kaniya. "Alam ko naman na ligtas ako sa palasiyo na kasama ang pamilya ko at ikaw."

"Ikaw talaga," inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko ng kaunti. "Kumusta na ang kalagayan mo? Did you have your appointment with your psychiatrist?"

Tumango naman ako, "Ayos lang po. Nakapagkonsulta na rin ako sa kanila."

"Hmm. That's good. Nabalitaan ko kanina na bumisita ang mga kaibigan mo. Ang bilis naman nilang umalis."

"Pasukan po ngayon, Sir. Codhille. Ayaw nga din nilang pumasok dahil hindi pa raw ako makakapasok, pero pinilit ko silang bumalik sa paaralan. Importante pa rin ang edukasyon. Dapat i-prioritize nila iyon."

Ngumiti na naman siya tapos umalis sa tabi ko. Naupo siya sa upuan na katapat ko at naghalumbaba. "You have nice friends. I'm proud of you, little one." Namula naman ako at humagikhik. Kahit kailan talaga itong si Sir. Codhille. Lahat na lang ng nagagawa ko sa buhay ay natutuwa siya para sa akin.

"Khally... I miss your sister." Malungkot nitong wika sa akin. "There's not a day that I never miss her. Sa bawat sulok ng palasiyo ay nakikita ko siya. Hanggang panaginip ay nasusundan pa." 

Nakakaawa naman si Sir. Codhille. Maliban sa mabigat na responsibilidad na iginawad sa kaniya ng ate sa sulat nito, ay nagpaiwan siya sa kaniyang pinsan upang hinatyin ang pagbalik ng kapatid ko. 

This is what brokenhearted people do. It makes people do the impossible things.

"Miss ko na rin po siya. Nananalangin ako tuwing gabi na bumalik siya ng ligtas sa atin. Tsaka gusto ko, sa pag-uwi niya, ay magkasama kayong dalawa. Gusto kong mapanuod kayong dalawa na masaya at may pamilya. Hindi ko kasi makita iyon sa ating dalawa, Sir. Codhille. Ang labo pong mangyari. Ang laki na nga ng agwat ng ating edad, tapos may iba tayong mahal sa buhay."

"Khally," inabot niya ang kanang kamay ko at hinaplos iyon gamit ang hinlalaki niya. "Let's not talk about the arrange marriage. Focus on your future."

"Parang ang hirap po no'n gawin. Ang dami po kasing dumarating na mga problema sa buhay natin. Tapos nadagdagan ko pa dahil sa pagiging ireponsable ko noong nakaraan na aktibidad namin sa school."

"Don't pressure yourself. Just focus on the positive side of your present and future. I will work out the problems we have. Tatandaan mo, walang kasal na magaganap at kakampi mo ako."

"Talaga po?"

"Oo, walang magaganap na ganun. Hindi ako gago para ikasal sa mas nakababata sa akin na may magandang kinabukasan na haharapin. Hindi rin ako gago para talikuran ang lahat ng nararamdaman ko. Hangga't kaya ko pa ay hihintayin ko siya. Kahit kamatayan ko pa ay si Khanarie pa rin ang hahanapin ko. Walang magbabago roon. Kaya Khally, huwag mong iisipin ang kasal natin 'kuno'. Isipin mo 'yang edukasyon mo... Pati na rin siguro ang lalaking gusto mo—Is it still the knight?" Tumango ako. 

"You seem sad. Did something happened between you two?"

I sigh. Hindi na ako magsisinungaling kay Sir. Codhille. "Inamin niyang may gusto itong iba. Kapatid lang po ang tingin niya sa akin."

"Ay, ang tanga."

"Hehe. Hindi naman po siguro. Tsaka ang bata ko masyado para kay Arizs. Natural lang siguro na kapatid ang tingin niya sa akin."

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon