FAIRY TALE 1: His Life Story

42 8 0
                                    

ARIZS

Survival.

Nasa alaala ko pa rin kung paano ako namuhay noon. Isang bata na walang kamuwang sa mundo. Ipinagkait na makasama ang buong pamilya at ninakawan ng identidad. Umiiyak ng malakas dahil walang sumasagot sa mga katanungan ko. Pangalan. Pagkain. Pagtitirahan. Kamag-anak. Ni ultimo ay wala.

Hanggang sa nasanay na ako sa wala at hinayaan na kung ano magiging takbo ng buhay ko. I adapt the name 'Assassin' and live with it.

📚📚📚

Hmm. Paano kaya ako magtatagumpay sa aking trabaho ngayon?

Ang misyon ko ay patayin ang pangalawang prinsesa pero hindi ko siya mahanap. Inutusan kami ng amo namin na tauhan ng mga Unverferth. Nagtungo kami sa silangan gaya ng utos nila.

Ayon sa batas ng mga ito, kapag labing-lima ka na maaari kang tumanggap ng misyon mula sa Unverferth. Pagkakataon ko na ito para makilala nila at tumaas ang ranggo ko! Mapapatunayan ko sa kanilang lahat ang kaya ko. Mahahanap ko rin ang sagot na matagal ko nang hinahanap sa kanila.

"Nagugutom na ako!" Nilabas ko ang pagkain ko at kakagat na sana nang mahulog ito. "Ahh!" Binunggo ako ng isang matandang lalaki na ang laki ng katawan. "Yung pagkain ko." Pinigilan kong saktan ang matandang lalaki nang makita kong nasa lupa na ang pagkain ko.

"Hoy! Hindi ka ba marunong humingi ng tawad!? He was about to eat his food but you bump into him!" Niyakap ako ng isang babae saka hinila palapit sa kaniya. Hindi siya pinansin ng matanda at napamura siya. Namula ako kasi may naramdaman akong malambot sa likod ko. "Ayos ka lang ba?"

Nag-angat ako ng tingin at lalong namula.

Ang ganda niya!

"O-opo!"

Lumingon siya sa kasama niyang mga lalaki. "Paris may pagkain ba tayo diyan?"

Hindi siya pinansin ng masungit na lalaki at inakbayan pa siya ng isa. "Paris, pare, ang cold mo kay Narie~ Amin na nga yung pagkain!" Inagaw niya ang pagkain kay masungit na si Paris at inabot ang pagkain kay Narie.

"Sayo na 'tong pagkain." Bigay niya sa akin.

"Narie! Huwag ka ngang magbigay ng pagkain kung kani kanino!" Suway sa kaniya nung Paris.

"Bilhan na lang kita ng bagong pagkain kung naiingit ka!" Sermon niya doon kay Paris na masungit.

"Ate, thank you!" Kinuha ko ang pagkain sa kaniya at niyakap siya. "Thank you po!"

Ngumiti siya sa akin tapos tinapik ang likod ko. "Mag-ingat ka sa susunod, ah?"

"Opo ate!" Ninakawan ko siya ng halik sa pisngi at kumaripas ng takbo. Rinig ko ang sigaw ng masungit na Paris at ang isa pero pinatahan sila ni Ate Narie.

Sana makilala ko ulit siya.

📚📚📚

Ang saya ko at malapit ko na matanggap ang mga sagot sa mga katanungan ko. Nahanap na raw ng isang kasamahan ko si Khanarie Wainwright.

Nakangiti akong pumunta sa aming tagpuan. Nagtipon kami ng mga kasama ko pero nagulat ako ng dakipin nila si Ate Narie. "Khanarie Wainwright! Sa wakas nahuli ka namin!" Hinawakan niya ang pisngi ni Ate Narie at bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.

Ang babaeng nagbigay ng pagkain sa akin. Ang babaeng kanina ko pa iniisip kung maaari ba kaming magtagpo. Siya pala ang kalaban namin. Sobrang lapit ng kalaban sa akin.

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon