KHALLIELEYA
Saktong pagbalik namin ay binabati na ng mga tao ang bagong kasal at tapos na rin ang kanilang palaro. Sumunod sa likod ko si Arizs nang lumapit ako sa aking ate at kuya upang batiin ulit ang mga ito.
"Congratulations, Ate! Congratulations din po, Kuya Caliber!" I hugged my sister lightly as to not harm my niece or nephew in her belly. I smiled at Kuya Caliber naman. "Kuya, alagaan mo po si Ate Mora, ah? I'm gonna miss her."
Tumango siya tapos humawak sa likod ni Ate Mora. Bumitaw na ako sa kaniya pero may parte sa puso ko na parang bumigat. It's so hard to be apart from another family member. But hers are for happiness. And I should be accepting that.
"I love you, Ate Mora! This is your happily ever after!" Bago pa bumigay ang mga luha ko ay pumunta na ako sa tabi ni Arizs tapos kumapit sa braso niya. "Congratulations po, Mahal na Reyna, Mahal na Hari," bati niya rin sa bagong kasal bago ako dinala sa isang bakanteng lamesa.
Hours passed and I was back to reading my book. Wala naman akong ibang magawa kundi ito. Wala naman akong kakilala rito para makausap. Eric left earlier. Hence, I'm stuck alone in one table reading during my sister's wedding.
"May problema ba? Masakit ba mata mo?" Umiling ako sa kaniya at sinara ang aking libro.
"I feel bored. Everyone is dancing and I am here reading."
"Gusto mo bang sumayaw?"
"No, I have no desire in dancing. I don't feel like it." Tanggi ko rito tapos binalingan ng tingin ang isang pagkain na nakahain sa aming lamesa. "Arizs, gusto mo?" Abot ko sa kaniya ng cube slice na apple.
"Pwede ba akong kumain?" Inosente niyang tanong.
Tumango ako. "Of course you can. I won't mind. Tsaka inaaya kita kaya kain ka rin."
"Sige!" I thought he would grab a tidbit on my plate but he surprised me by getting the cube slice apple between my thumb and pointing finger.
"Arizs! Meron sa plato huwag naman sa daliri ko!" I want to sermon him but I can't. Nganga akong pinanuod siyang kainin ang mansanas at ngumiti pa ito.
"Ang sarap!" Galak niyang aniya. Uminit ang pisngi ko at binawi ang kamay ko. Hala! Ano ba 'to!? Arizs naman yung puso ko!
"Bakit Khally? Nakagat ko ba daliri mo?"
Arizs tama na!
"Khally, sorry," kinuha niya ang kamay ko kung saan niya kinuha ang mansanas na kinakain niya at hinalikan ang daliri ko. "Masakit pa ba? Kiss ko pa?"
What does he think I am? Four?!
"N-no," mahina kong sagot sa kaniya.
Binigyan niya ulit ako ng halik sa daliri ko at ginulo ang buhok ko. "Mawawala na rin 'yan. Kain ka na lang ulit. Pagkatapos magpatuloy ka sa pagbabasa. Babantayan kita."
My lips are sealed throughout the night and I was getting anxious because I can hear their whispers. Are they talking about me? Are they saying that I am being anti-social at my sister's wedding? Were they speaking ill of me and Arizs? I'm so nervous. I want to disappear.
"Khally, can we dance?" May kamay na nakalahad sa harapan ko at sinundan ko iyon kung kanino galing. "Kahit isang kanta lang para hindi ka matakot sa mga nagbubulungan. Promise, ihahatid din kita sa iyong kwarto pagkatapos ng isang sayaw para makapagbasa ka ng maayos."
"Arizs, I don't want to..."
"Ayokong pinagbubulungan ka ng mga tao, Khally. Kaya, tara na," he pulled me to the dance floor and my feet felt light in gravity. The musicians played a little of a festive kind of music. And everyone is jumping up and down and twirling around. I can't keep up! "Tara!"
BINABASA MO ANG
The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]
Historical FictionCTTO Photo: dina.f Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: December 7, 2021 Ended: February 15, 2022 The books she read are nothing more but false fairytale. 📚📚📚 Sa kalagitnaan ng mainit na kontrobersiyal na away na umiikot sa pamilyang W...