KHALLIELEYA
Kasalukuyang nasa paaralan ako at hinihintay na sunduin ni Arizs. Mayroon pa ata siyang private lesson sa tutor ko ngayon. O nagtatrabaho na naman siya? I'm not sure anymore.
I stayed at my reading place in peace and waited under an oak tree. Wala na akong pakealam kung madumihan ang bestida ko. Ang mahalaga ay komportable ako sa pagbabasa ng libro at hinatyin siya na dumating-
"KHALLY! KANINA PA KITA HINAHANAP!"
Tumayo ako at pinagpagan ang bestida ko. Nilingon ko ang isang babaeng may apoy na maaaring lumabas sa kaniyang ilong. Ilang beses akong lumunok sa nakatatakot nitong itsura kaya ako na ang lumapit sa kaniya.
"Ate Vie-"
"I was looking for you! Everywhere! What if something happens to you while Arizs isn't here yet?!"
"Ate kasi-"
"Tapos mahahanap kita nagbabasa... na naman!?"
"Umm-"
"Forget it! We are going to have tea with other princesses. Learn how to socialize... and be classy!"
I sigh and carried my bag without disobeying her. Hinigit niya ako sa braso at kinaladkad papasok sa paaralan. Gusto kong tumanggi upang matapos ko ang binabasa kong libro, pero mapilit si Ate Viera.
What can I say? She's older than me. And she knows more, than I.
"Ate, baka dumating si Arizs at doon ako hanapin. Doon kasi niya ako sinusundo sa ilalim ng oak tree," Mahinang saad ko sa kaniya at tumigil siya sa paglalakad. Hinarap ako nito at nakataas ang isang kilay niya sa akin.
"So? If he can't find you, then he should search for his princess. He's just a knight. Let him do his job."
'Just'? Does she think so low about knights to say that?
"Ate, sobra naman 'yong salitang 'just' a knight. " Lakas loob kong pagtanggol sa pagkatao ni Arizs kay Ate Viera, pero hindi nag-iba ang kaniyang itsura.
"Why are you being defensive? I didn't say anything rude. It is a matter of fact!"
"No, it is not!"
She rolled her eyes. "Stupid sister! What I meant is, it's his job to wait or find us-you-since he follows his employees' orders around. Don't get too wrapped out in a boy like him. He's nothing!"
"Ate!"
"What?! Tumigil ka nga kakatanggol sa kaniya!" Kinuha niya ulit ang kamay ko tsaka kinaladkad papunta sa isang tea room.
As expected, classy princesses in senior class are here. Hindi ako nababagay dito.
"Hello, everybody! I invited my little sister for tea. Is it okay with you?" Tanong pa niya sa mga kaibigan niya at sinabihan akong makiupo kasama nila.
They were all smiles and jittery but it was not my cup of tea. I never talked to these people before. They seem... fake.
Speaking of tea. I glance on their teacup when they started pouring some of their well-blended brew. Inamoy ko iyon at napangiti. Kahit papaano pala ay ma-eenjoy ko rito. Ang sarap ng tsaa na iniinom nila. Nagsimula na ulit akong magbasa ng libro ni Louisa May Alcott, sa tabi ng aking kapatid.
"Viera, ano na? Sinagot mo?"
"Oo nga, Viera! Anong balita?"
"Yieee! Viera talaga habulin ng mga prinsipe ngayon!"
BINABASA MO ANG
The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]
Historical FictionCTTO Photo: dina.f Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: December 7, 2021 Ended: February 15, 2022 The books she read are nothing more but false fairytale. 📚📚📚 Sa kalagitnaan ng mainit na kontrobersiyal na away na umiikot sa pamilyang W...