KHALLIELEYA
Pagkatapos ng selebrasyon noon sa Southern, noong nakaraang dalawang buwan, ay nag-iba ang pakikitungo ni Ate Mora sa mga tao rito sa palasiyo. Nakapagtataka nga at pati rin ako ay hindi niya kinakausap. Ang madalas ay si Ate Khei at Ate Vie ang nilalapitan niya lang.
May nagawa ba akong mali sa kaniya?
"Hey! You're looking a little blue today. May nangyari ba?" Tanong ng isang lalaki sa akin at napa-angat ako ng aking tingin sa kaniya. "The library is a place for you to read a book, not starring blankly at it." Pagpapagaan nito sa loob ko na inaasar pa ako.
"Hahaha... Eric, the library is indeed a place where people can silently read," I point at his hands, "Not eat." I countered back.
He pout and place the food in front of me. Panay tinapay iyon at may strawberry juice pa itong dinala na nakalagay sa tumbler. Naupo siya sa tabi ko at pinasahan niya ako ng isang sliced bread na ang palaman ay eggs, mayo, at lettuce. I close the book I picked up and took the food from Eric.
"Thank you." I sincerely said.
"You're welcome." He cheerfully answered back.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at yumuko. Ang sama ko naman sa kaniya. Every time I spaced out he's here beside me. When I feel sad he'll pop out like a mushroom and comfort me. And when I feel lonely he'll accompany me. Pero ako... wala man lang ako nagagawa pa para kay Eric. All I think is about myself these past few days.
"Khally, bakit? Natahimik ka bigla. Bawal ba sa'yo ang pagkain?! Shh! Wait! Dadalhin kita sa infirmary! Tsk!"
I almost squirm aloud when he got up from his seat and tried to carry me. Napahawak ako sa pisngi niya at dumapo ang mayo roon. Nahiya naman ako kasi nadumihan ko ang pisngi niya. "Walang masama sa katawan ko. And no, I have no allergy from this sandwich you've given me. Please, put me down." Tumango naman siya at binaba ako. Ibinaba ko naman sa lamesa ang sandwich. Good thing this sandwich has a plastic.
Nilabas ko ang panyo ko para punasan ang pisngi ni Eric. "Sit down please," sumunod ito at naupo muli sa tabi ko. Inabot ko ang pisngi niya at pinunasan ang mayo na dumapo roon. "I'm sorry. I can't help it but space out." Ani ko rito at wala na ang mayo sa pisngi niya.
"You're...different." Sambit nito.
I look directly at him with confusion and pain.
Different?
I mean I am indeed different but I thought there was someone I have in common even just a little. I did not expect him to see me as different.
"I'm sorry." Halos pumiyok ang boses ko sa paghingi ko ng paumanhin.
PERICLES
I didn't know what to do. She's about to cry in front of me after she said sorry over nothing.
May problema na nga yung tao tapos dinagdagan ko pa.
"Khally, don't cry! Please, huwag kang iiyak. I'm sorry kung may nasabi ako sa'yo. Hindi ko sinasadya."
"No, you are right I am different." Sabi nito at napatakip sa kaniyang mukha gamit ang dalawa nitong kamay. Mariin akong napasapo sa aking mukha sa pagkairita.
Ang tanga, Eric! Bagong kaibigan pinaiyak mo na. Unang babaeng kaibigan mo ay pinaiyak mo pa!
"Khally, hindi naman sa ganun. I mean you're different. But it doesn't mean something negative. It is because you are unique to me. You're different because you're you. You stay as who you are despite the criticism you take from others. That's what I meant." Marahan kong tinanggal ang kamay nito sa mukha at pinagsalubong ang tingin namin. Hinaplos ko pa ang pisngi niya gamit ang hinlalaki ko at ngumiti. "Don't cry. I'm sorry." Unti-unting lumiwanag ang mukha niya at napangiti na rin.
BINABASA MO ANG
The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]
Historische RomaneCTTO Photo: dina.f Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: December 7, 2021 Ended: February 15, 2022 The books she read are nothing more but false fairytale. 📚📚📚 Sa kalagitnaan ng mainit na kontrobersiyal na away na umiikot sa pamilyang W...