FAIRY TALE 30: To Serve, Not Love

8 0 0
                                    

ARIZS

Limang buwan ang lumipas nang matapos ang kaarawan niya. Ang huli naming pag-uusap ay noong nagkasalubong kami sa koridor na katabi ang hardin ng palasiyo. Tuluyan na akong hindi nakakalapit sa kaniya dahil may bantay-sarado rin dito. 

Ang mas malala ay bihira na akong namamalagi sa palasiyo dahil sa mga misyon na binibigay sa akin ni Codhille Sotello at Kuya Dona.

"Arizs, pinapatawag ka na naman sa opisina ng headquarters ninyo," tawag sa akin ng isang mutsatsa sa di kalayuan. Hindi pa ako nakakapasok sa aking bahay tapos pinapatawag na naman ako.

"Ngayon na ba? Papahinga muna ako. Kagagaling ko lang sa trabaho ko sa Prukkehiya."

"Aba! Oo! Utos na ito ni Prinsesa Khe—Heneral Khanarie."

Pabuntong-hininga at paalala ko sa kaniya, "Mag-ingat ka sa sinasabi mo."

"Pasensiya na," yumuko siya tapos umalis na rin. Kaysa pumasok sa bahay ay nilisan ko ang opisina. Importante ito dahil si Prinsesa Kheilanie ang tumatawag ngayon sa akin. Kahit kailangan kong magpahinga ay uunahin ko muna trabaho ko. 

Napahikab ako sa pagpasok ko sa headquarters. Binati ako ng iba rito tapos tinanguan ko sila o ngingitian. Hindi na ako kumatok sa pinto ng opisina dala na rin ng pagod. Pinapasok ko ang sarili at napakinggan ang kinakatakutan ko sa buong buhay ko.

"I love you po, Kuya Codie! Salamat sa lahat!"

"Any time. I love you too."

I watch them being sweet while I torture myself on the inside. 

Nakayakap si Khally kay Codhille Sotello. Maski ang prinsipe ay masayang nakayakap din kay Khally. Hinalikan pa niya ito sa noo bago humiwalay. Lumipat ang tingin ko kay Prinsesa Kheilanie na nakangiting pinapanuod din sila.

I used to do that to her. It was me who gave those gummy smile and light kisses on her forehead before. She either giggles or hit my shoulder. Now, another man is doing it for her.

This is what you get, Arizs. Panindigan mo ang kasalanan mo. Sinaktan mo ang prinsesa ng husto kaya ang kapalit ay masaktan ka rin ng husto.

You live to serve. Not to love.

KHALLIELEYA

It's getting tiring as time moves fast. I'm with Kuya Codie at Ate Khana's office (na ginagamit ngayon ni Ate Khei para sa pagpapanggap niya bilang Ate Khana). 

Nakaupo kaming tatlo ngayon; magkaharap kami ni Kuya Codie habang si Ate Khei ay nasa mismong office seat niya. We are strategizing for our next move on the upcoming wedding. Pinagpipilitan pa rin ni Papá na maayos na ang kasal namin ni Kuya Codie sa madaling panahon.

Hindi ako sang-ayon dito, dahil hindi ako handa sa isang kasal. Tsaka isang babae ang natatanging gustong pakasalan ni Kuya Codie — si Ate Khana. We have one wish but different reasons. Therefore, we have to break off our engagement.

"Khally, baby girl, gagawin natin ang lahat upang hindi matuloy ang kasal, ah?" Malungkot na pagpapaalala ni Ate Khei. 

Mas nanlambot ako nang makita ko ang pagod sa kaniyang mata. Maliban sa gabi-gabi nitong pag-iyak nang umalis si Kuya Kohlen, tuloy pa rin ang pagpapanggap niya at pagtulong sa amin. Wala na siyang sapat na pahinga upang alagaan ang sarili.

"Ate, alam ko po. Wala pong matutuloy na kasal. May tiwala po ako sa lahat ng tumutulong sa amin. Kaya Ate, ikaw po, dapat mag-ingat ka rin at magtiwala sa amin. Kung kailangan niyo ng tulong sa papeles, sabihan niyo ako o si Kuya Dona para tulungan ka. Kung sa iyong training naman, pwede ka naman humingi ng tulong kila Kuya Hemington. Ate Khei, kung kailangan niyo rin po ng pahinga, tawagin mo lang kami ni Ate Viera."

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon