FAIRY TALE 41: Last Stand

9 0 0
                                    

KHALLIELEYA

Arizs is not beside me.

"May prinsesa akong nahuli! Hahaha! Magagamit natin siya laban sa mga Wainwright." Aniya ng kalaban at tinulak ako sa putikan. Mas nanlamig ang katawan ko sa mga posibilidad na mangyari sa akin. 

Hindi ako marunong lumaban. Hindi ko madepensahan ang sarili ko gawa ng pagtali sa mga kamay ko sa aking likod. Talong talo ako ngayon. "Mmm! Hmmm! Hmmph!" I muffled in between the cloth that is tied at my mouth.

"Ang ganda niya, pare. Huwag na natin kaya muna siya dalhin kay Khanarie Wainwright? Sulitin muna natin ang dilag na 'to?" Malisyosong tanong ng isa.

My whole body reacted with desperation and discomfort. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa may gawin sila sa akin. Ayoko ng ganito!

"MMMMM!" Pinagsisipa ko ang mga dumakip sa akin at sinubukang makawala. They were pulling my dress up and searching for my thighs. My cry became louder. I was feeling hopeless. Sinong sasagip sa akin ngayon? Nasa malayo si Ate Khana. Wala rin ang ibang kawal. Paano na ako?

"AHMMII!!!" (ARIZS!!!). Muli kong tawag sa kaniya kahit hindi maintindihan. Napapikit ako at umiyak sa kahihiyan. 

Anong mangyayari na sa akin? Mangyayari na ba sa akin yung naging kapalaran ni Ate Alora? Harrassed then killed?

Before I could drift from eternal darkness I heard the familiar chime.

"Aling kamay ang ginamit niyo na pinanghawak sa kaniya?"

His raspy and dangerous tone made my eyes water with joy. I look up to him. He's here! "Wala pala akong pake kung alin ang ginamit ninyo. Tangina niyo sa paghawak sa prinsesa ng mga Wainwright." Kita ko ang pagtalsik ng mga dugo sa damuhan. Ang mga dumakip sa akin ay wala ng buhay at duguan sa harapan namin.

I wriggle my way to Arizs who instantly shifted his gaze on me. Nawala ang nakatatakot niyang awra at bumalik sa dating Arizs na agriyabado at mapag-alala. Mabilis niyang tinanggal ang tali sa aking kamay pati ang tela na nakatakip sa aking bibig. "Arizs... A-Arizs..." Iyak ko sa tabi niya at niyakap siya.

Niyakap niya ako pabalik at hinagod ang likod ko. "Andito na ako, Khally... Andito na ako..."

"A-Arizs!.."

"Tahan na Khally... Walang mananakit na sa'yo. Andito na ako. Ligtas ka na. Ligtas na kayo." Hindi ako bumitaw sa kaniya pero wala rin siyang balak na bumitaw. He comforts and calms me in his arms. I feel safe. "Iyakin ka talaga kahit kailan, Khally." Pang-aasar niya sa akin at dahan-dahan akong humiwalay sa kaniya.

"Wala kang pake, Arizs!" I hiss.

He chuckles and kisses my tears away. "I'm glad you're safe, Khally."

I smile and hug him once more. "Thank you, Arizs!" I said.

"No, thank you. Salamat at tinawag mo ako kahit nasa malayo pa ako." Ginulo niya ang aking buhok at dinikit ang kaniyang noo sa akin.

"A-Arizs? Bakit?"

"Khally, I-I love you," He nervously said.

I giggle and pinch his nose. "Wrong timing ka talaga, Arizs."

"Walang wrong timing sa pag-aamin. Ang maling timing ay yung mga hadlang sa buhay natin." Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko saka tumayo. Tinulungan niya akong tumayo at sinama sa loob ng palasiyo. "King Howard," Bati ni Arizs kay Papá.

Papá's eyes widen seeing me beside Arizs. "Papá, Arizs saved me." I cleared before he could think of anything else.

But I wish he would.

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon