FAIRY TALE 39: Our Chance

4 0 0
                                    

ARIZS

Katatapos lang ng aking ensayo ay pinatawag naman ako ni Haring Howard sa kaniyang opisina. 

Tinatanong ko sa tumawag sa akin na mutsatsa kung ano ang kinailangan ng hari, pero hindi ito sumagot ng matino. "Basta, sumunod ka na lang," ang tanging wika nito.

Still confused and unprepared, I dash towards the office. If it is something connected to Khally, or a Wainwright order, then I should attend to my duty.

Bago pa ako pumasok ay inayos ko ang aking sarili at pinaalala na maglakas loob na rin ako na umamin sa ama ni Khally. Heto na ang tamang oras upang magpakatotoo sa kaniya. 

Kumatok ako sa pinto tapos pinatawag niya ako na pumasok.

"Magandang araw, Haring Howard." Magalang na bati ko sa kaniya, pero nakatalikod ito sa akin at nakaharap ang buong katawan nito sa tapat ng kaniyang bintana.

"Arizs," seryoso nitong saad. Tumaas naman ang balahibo ko sa aking kamay. "Boy."

"Ho?"

"Tell me the truth, are you pursuing my daughter?"

Huminga ako ng malalim at umiling, "Hindi po."

"Is that so? I'm relieved."

"Mawalang galang na ho," bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig at lumuhod ako sa harapan niya. "Hindi na ako nanliligaw dahil kasintahan ko na ang anak ninyo. Humihingi ako ng tawad, mahal na hari. Hindi po namin nais na itago sa inyo ang katotohanan na may relasyon kami ng anak ninyo. Hindi namin nais na lokohin kayo."

"How dare you take my daughter..." In a snarl voice I heard his shoes squeak on the marble floor and walk towards me. Laking gulat ko nang sipain niya ako sa aking sikmura. "HOW DARE YOU PURSUE MY DAUGHTER WITHOUT MY PERMISSION!" Isa na namang sipa ang kaniyang binigay at tuluyan na tumama ang likod ko sa upuan o lamesahan.

"GAAA!"

"I TRUSTED YOU! KHANARIE TRUSTED YOU!"

"Paumanhin..." 

"A BASTARD LIKE YOU DARE'S TO TAKE ADVANTAGE OF MY DAUGHTER! I'M GOING TO KILL YOU!"

Kick. Yell. 

Kick. Curse. 

Kick. Punch.

I accepted everything. I deserve this. I have my mistakes. Matagal na akong nasabihan ni Kuya Codie tungkol dito. Masyado akong naging kampante at hindi sineryoso ang mga bilin sa akin. Pagkukulang ko na iyon kaya sasaluhin ko lahat ng 'to.

Hinihingal siyang kinuwelyuhan ako papatayo ng hari at napapaimpit ako sa sakit. "Kailan pa naging kayo?"

"Mahigit dalawa o tatlong linggo..."

"Be specific, boy."

"M-matapos ang kasal nina Ate Kheilanie at Kuya Kohlen." Amin ko rito.

"SON OF A BICTH!" Isang malakas na suntok ang ginawad niya sa mukha ko kaya bumagsak ako sa sahig. "I can't believe this!? You are all playing with me! You are all cheating on me!" Kaysa ako ang pagbuntuan na naman nito ng suntok ay nagulat ako at tumama ang kamao niya sa office table niya. "You are all playing with me... My family..." 

Ramdam ko na ang sakit na dinadamdam nito kaya pilit kong inayos ang aking sarili. Masakit man ng pisikal ang aking katawan, ay hindi ko hahayaan na hanggang dito na lang ang maipapakita ko sa kaniya. I need to thoroughly address my relationship with his daughter.

"How much do you all hate me?" He breathed out in a shaky voice.

Lumuhod ulit ako sa harapan niya at yumuko. "Mahal na hari, sinisigurado ko ho na protektado po ang inyong anak. Sinisigurado kong pinapasaya ko siya at hindi sinasaktan. Nirerespeto ko ang buong pagkatao at mga desisyon nito. Buo ang loob ko na minahal ko siya at patuloy na mamahalin hanggang sa pagtanda ko. Nawa'y," inangat ko ang aking katawan na taas noong hinarap ang hari. "Nawa'y mapagbigyan niyo kaming dalawa na mag-ibigan. Nawa'y makita niyo rin ang kasiyahan sa aming dalawa. At nawa'y... magabayan ninyo kami."

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon