FAIRY TALE 8: Deserve

17 8 0
                                    

KHALLIELEYA

Pagkarating namin sa paaralan dumako ang tingin ko sa isang prinsipe na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Napangiti lamang ako dahil ang sigla niya ngayon. But my smile faded in an instant from the tension behind me. It's too strong!

Nagsalpukan ang kaniyang karit kaya nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniyang kamay. Umawang ang bibig ko sa takot. Ang higpit kasi ng hawak nito roon. "Arizs, put down your sickle!" Giit ko sa kaniya.

"He is a prince, Khally. Isang prinsipe ang lalapit na sayo." Sagot pa niya sa akin

The frustration I felt starts to surge inside me. "And so? Must you bring out a weapon to scare the innocent boy?! Arizs, this is humiliating, even for me!"

Bumaba na ang tingin niya sa akin na may takot. "Hindi sa ganoon ang nais kong mangyari, Khally."

"Then what do you want to imply? Na huwag siyang lumapit sa akin na para akong may sakit? O hindi ito lalapit dahil diyan sa aksyon mo?"

"Para ito sa kaligtasan mo. Hindi ko naman siya sasaktan. Tatakutin ko lang."

"Arizs, sa pagbalik ko sa paaralan na ito siya ang kauna-unahang kaibigan ko! Hindi ba pwedeng magkaroon ng kaibigan na hindi matatakot sa akin?" Napasapo na ako sa aking dibdib at hindi ko mapigilan ang naghihiyapos na galit sa loob ko. "Dahil sa mga tulad ninyo ay hindi ko alam kung saan nga ba ako lulugar. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong pariringgan. Ni minsan ay wala na kaming sariling desisyon sa buhay!"

Kaysa umayon ito sa akin, ay dumilin pa ang kaniyang itsura. Napaatras ako. Umurong na rin ang dila ko. Pati ang tapang ko na pagsagot kanina ay nawala. "Khally, ginagawa ko ito para sa kapakanan mo."

Nanginig na sa takot ang aking labi at maaari na akong umiyak sa harap niya. "P-Pero Arizs... You are not doing this for me... You are doing this for yourself. I never wish to be this way. I want it to be normal."

"Khally naman! Intindihin mo sinasabi ko!"

"Ikaw ang umintindi sa sinasabi ng kapatid ko, Arizs." Tumigil sa panunumbat si Arizs nang may papalapit sa aming mga tao. "May I remind you that we are in a public place with judgmental people along with their toxic minds and tongues?" Pinantayan ni Ate Viera si Arizs kahit mas matangkad ito sa kaniya. "You are indeed humiliating my sister in public."

"Wala akong balak na ipahiya ang kapatid mo."

"You already did." Malamig na saad ni Ate Viera. "Killio, take Arizs away from my sister. Even my reputation gets destroyed if he starts a ruckus with his disgusting weapon."

"Masusunod, mahal na prinsesa," lumapit si Kuya Killio kay Arizs at kinaladkad ito palayo sa amin.

"As for you little miss," Ate Viera pause and gave me a frowning look. "Don't let a guy like him step on you! Matuto kang ipaglaban ang sarili mo! Nakakainis ka na!"

"I-I can't talk back—"

"It's called defense! Masyado ka namang matatakutin! Khally, minsan kailangan mong ipaglaban ang sarili mo lalo na kung unti-unting bumaba ang tingin sayo ng isang tao. Kapag nakikita mong may mali ang isang tao magsalita ka! Hindi 'yong tatahimik ka't magbibingi-bingian. Don't be a pussy! Pull your bosoms up!"

"Ate! Language!" Napatakip ako ng tainga at siya naman ay napatakip sa kaniyang bibig. Magkaparehas pa kami nanlaki ang mga mata.

"Oops! Dugyot ang dila!" Tinanggal niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig nito at nakalabas pa ang kaniyang dila. "Aalis na nga ako. Andiyan na rin ang prince charming mo." Kantyaw ni Ate pero umiling ako ng marahan. In a few seconds she was gone.

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon