FAIRY TALE 7: Books Over Boys

20 8 0
                                    

ARIZS

Katatapos lang ng patrol namin ni Kuya Paris sa Town Ili-jea at naabutan ko si Kuya Killio na nakatayo sa labas ng palasiyo. Umigting ang panga ko nang maalala ko 'yong kanina. Dapat babalikan ko si Khally upang makipag-ayos, pero umalis ito nang hindi ako ang kasama.

"Kuya Killio," tawag ko sa kaniya nang papalapit ako.

Naghalukipkip siya at nanatiling nakatayo sa pwesto niya. "Arizs, how's patrol?"

"Ayos lang."

"Hmm, what do you need, boy?"

"Nasaan si Khally?"

He scowl, "Can't you address her correctly? She is a princess, Arizs. Hindi ka niya kamag-anak o kaibigan na tatawagin siya sa pangalan lang. Magbigay respeto ka. Huwag mong gagayahin ang isa nating kasama na hindi marunong tumawag ng tama sa mga amo natin."

"Nasaan si Khally?" I ask again ignoring his protest.

"Tsk! Stubborn!" Napakamot ito sa batok niya. "Nagpapahinga siguro iyon sa kaniyang kwarto pagkatapos ng lakad namin."

I snort and put my hands on my waist. "Ano naman ginawa ninyo sa lakad ninyo?"

"Why do you care?"

"Kasi responsibilidad ko ang prinsesa. Kaya kailangan kong malaman kung anong ginawa ninyong dalawa!"

"Hindi mo na kailangan malaman pa. Wala namang ipinagkaiba sa mga trabaho natin tuwing nagkakapalit tayo ng prinsesang binabantayan. Ni minsan, hindi nga tayo nagtanong kung ano nga ba ang aktibidad ng prinsesang binantayan natin sa isang araw."

"Kuya! Importanteng malaman ko pa rin ang naging kalagayan ni Khally! Wala akong pinagkakatiwalaan sa mga nakakasalamuha niya!"

"Are you fucking doubting me, Arizs? She's in good hands. Hindi ko pinabayaan ang prinsesa. Hindi ko magagawa iyon. Alang-alang sa pagkakaroon din namin ng kapatid na babae ni Kuya Dona." Hasik nito sa akin at humalukipkip ulit. "Pero gusto ko sana na putulin ang kamay ng prinsipe na kaibigan niya. He's too touchy when I was watching them."

"Prinsipe? Touchy? Saan ba talaga kayo galing?!"

"Keep it down, boy. I might beat that mouth of yours to prevent from speaking."

"Tsk! Sorry."

"You are being disobedient lately." Umirap ito. "We went to the Iedus Family. The third prince invited her for a house tour. During our tour, he kept holding Princess Khallieleya's hand. Or sometimes place an arm around her shoulder."

"Bakit hindi mo sinuway?! Kuya Killio, hindi mo dapat hinayaan ang prinsipe na 'yon na hawak-hawakan si Khally!" Singhal ko sa kaniya.

He scowled again. "I couldn't say anything rude towards the prince. We are at a different territory. She would be in danger by my recklessness."

"Pagsasabihan mo lang naman siya, Kuya Killio!"

"Arizs! She is happy."

"Ano namang masaya roon?!"

"I didn't dare to interrupt because I see her smiling at the prince. It is not my place to be too strict."

"You have the right to be strict! Also, she just met that prince yesterday! Kahapon lang! Kaya dapat na masabihan ang prinsipeng iyong tungkol sa limitasyon sa pakikitungo nito sa ating prinsesa!"

"I never knew about that." He pause and gave me a suspicious look. "Why are you getting so mad? Are you jealous because she didn't bring you with her? Or are you jealous because she is happy with another guy aside from you?"

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon