FAIRY TALE 37: Book Mark

5 0 0
                                    

ARIZS

Naiwan kaming dalawa ni Kuya Codie sa nakaririnding katahimikan ng opisina noong umalis si Khally.

"That was scary," he said.

"Akala ko katapusan ko na 'yon," wika ko rito. "Parang kagaya niya si Ate Mora noong nagalit ito kay Viera, nagkalat kasi ito ng make-up niya sa kaniyang kwarto."

"Really? I thought she was like Kheilanie. Minsan lang magalit si Kheilanie pero nakakatakot din ito kung magalit." Tumango lang ako. "So, what are you going to tell me?"

"Ah! Oo nga pala." May dinukot akong papel sa aking bulsa at inabot ito sa kaniya. "Heto ang mga nakalap na impormasyon ni Viera. Lumipat ng lokasyon ang mga Unverferth upang makuha ang kanilang panibagong mga supply ng armas."

"Ang bilis naman nilang kumilos. Paano raw nangyari?"

"Makakailan lang ay nakatanggap sila ng balita na balik operasyon muli ang Ylli. Matapos ang dating paglalayag ng mga ito, noong nakaraang anim na buwan o mahigit, ay tumigil muna sila sa transakyon nila. Malaking pera kasi nawala sa mga 'to pati na rin mga tauhan sa kanilang mersenaryo."

Napabuntong-hininga ito at napahilot sa kaniyang sentido. Binasa muna niya ang papel na inabot ko sa kaniya tapos humarap sa akin. "Hindi ako pamilyar sa bayan na nakasulat dito. Saan ang bagong lokasyon nila?"

"Iyong Town Wanzks at Town Jil-iu."

"What? Hiwalay na bayan ba ang pinagtataguan nila?"

"Oo, Kuya."

"Tsk! Screw that. Saang banda matatagpuan ang mga 'to?"

"Ang Town Wanzks ay isang maliit na bayan sa liblib na daan, pero katabi pa rin nito ang Town Zackozsa. Ang Jil-iu ay matatagpuan naman sa pagitan ng Ili-jea at Fah-zi Trrou." Natahimik ito tapos naghalukipkip. 

"Okay. Kakausapin ko si Dona tungkol diyan."

"Sige."

"Tsaka alamin mo na rin kung saan ang mismong lokasyon ng tinataguan nila. We don't want to scare every town we infiltrate. Baka magkaroon pa ng Civil Revolt."

Civil Revolt, nagkaroon ng ganitong rebolusyon rati sa mga independent towns at mga monarkiyang pamilya. Ang kadahilanan ay walang pahintulot ang mga monarkiyang pamilya na maghimasok sa kanilang bayan at gumawa ng gulo. Mas kilala nga lang ang Civil Revolt sa Northern.

"Masusunod, Kuya."

"Thank you," he sighs and tap his fingers on his right arm. "Kumusta naman si Viera? Ilang araw na siyang hindi bumabalik rito sa palasiyo."

Napaisip naman ako sa huli naming pagkikita ng prinsesa. "Noong nagkita kami kanina, ay mabuti naman ang kalagayan niya, Kuya. Pumunta ako roon para sa isang pagpupulong. Inaaya ko rin itong umuwi na, kaya lang nagmatigas siya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya nalalaman ang tunay na taguan ng mga Unverferth."

"She's not hurt. Or bullied, right?"

Tumakla ako at umismid. "Malabo, Kuya. Walang sugat na makikita sa katawan niya. Tsaka ni sino sa mga tauhan ng Unverferth ay di nakakalapit sa kaniya."

"That's good."

"Pero meron pa lang isa."

"May nakakalapit sa kaniya?" Pagtataka nito.

"Oo. Pangalan niya ay Caiden Faux." Sagot ko rito. "Matagal na siyang umaaligid kay Viera. Wala rin naman siyang ginagawa sa prinsesa. At mukhang wala rin ang pakealam si Viera sa kaniya dahil sinusungitan niya ang binata. Basta nagkakausap sila minsan tapos maghihiwalay lang din ng landas."

The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon