ARIZS
Isang linggo ang lumipas, kinakabahan akong tinungo ang kwarto ni Khally. May dala akong tsaa para sa kaniya at toast bread. Hindi pa rin kasi ito nakakapag-merienda.
"Tangina! Kinakabahan ako!" Bulong ko sa sarili bago katukin ang pinto ng kwarto niya.
"Wait lang po!"
Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko nang makarinig ako ng yabag sa loob ng kwarto niya. Napapatingin ako sa tsaa tapos sa aking gilid. Feeling ko may manggugulat sa akin na kalaban nang wala sa oras.
"Oh! Is it tea time already? I haven't noticed." She looks up at me with wide — beautiful green — eyes.
"Tsaa , hi!— Hi, Khally! Nagdala ako ng Khally para sa tsaa— ! Nagdala ako ng tsaa para sayo!" Napatakla na lamang ako at lalong tinuon ang pansin ko sa tsaa na napakalinaw. Kitang kita ko na ang repleksyon kong nakakahiya.
"Pfft! Okay, okay. Hello to you too, Arizs. Pasok ka na. Ang dami ko pa kasing ginagawa. Paki lapag na lang sa lamesa ang tsaa." Pinagbuksan niya ako ng pinto upang makapasok.
"Bakit ang kalat ng kwarto mo? Parang binagyo kagaya sa kwarto ni ate mo Kheilanie?" Ipinatong ko sa lamesahan ang tray na naglalaman ng kaniyang tsaa at pagkain. Inisa-isa kong pinulot ang mga papel na nakakalat sa sahig.
Monarch System...
Monarch Doctrine...
The Great Policy...
"Khally... nakakatulog ka pa ba ng maayos? Panay kasulatan sa Monarch System ang nasa papel na 'to," nilingon ko ito at pagod siyang napaupo sa kaniyang upuan at bumuntong-hininga.
"Hindi na. Ang dami kong nabalitaan sa iba kong kaklase na ang daming katanungan ng mga Tao sa sistema. Ginigisa nito ang mga estudyante sa kanilang kaalaman tungkol sa kanila. Kaya naman ayokong mapahiya na katulad nila."
"Khally, hindi mo naman siguro kailangan pag-aralan ang lahat ng 'to."
Tumitig sa akin ang malungkot at pagod nitong mata at ngumuso. "I have to. Or else I'll fail. Lahat ng kapatid ko ay nakapasa. Ako na lang ang wala pang naipagmamalaki sa pamilya namin."
Lumapit na ako rito at pinatong ang papel sa lamesa. Pinagsilbihan ko muna ito na bigyan siya ng tsaa bago naupo sa tapat niya. "Marami ka nang naipagmalaki sa pamilya mo, Khally. Kita ko ang lahat ng 'yon."
"Arizs... I don't think I did something valuable... Not yet."
"You've proven yourself to be worthy to your family. Khally, ikaw na lang ang hindi nakakapansin sa sarili mo. Pero kahit na ganun andito ako na ipapaalala sa'yo na may naipagmalaki ka na sa pamilya mo."
"You mean it?" She sounded desperate. I lean on the table and took her right hand. I gently squeeze her fingers and smile.
"I mean it. Kaya huwag mong papagurin masyado ang sarili mo. Kung kailangan mo rin ng tulong tawagin mo ako. Okay?" Dahan-dahan ko namang inangat ang kamay niya tapos inilapat iyong likod ng palad nito sa labi ko. "Para sa prinsesa, andito ako." Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nakaawang ang kaniyang bibig. Puno ng gulat ang kaniyang mata at dali ring napalitan ng saya.
"You are..." She paused. I look at her confusingly but she shook her head. I feel a little disappointed as I wasn't able to know what she wanted to say. "Arizs, kung babawi ka ngayon susulitin ko na."
"Huh?"
"Care to share a dance with me? It is part of our one-on-one evaluation. I need to practice my dance with a partner."
BINABASA MO ANG
The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]
Historical FictionCTTO Photo: dina.f Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: December 7, 2021 Ended: February 15, 2022 The books she read are nothing more but false fairytale. 📚📚📚 Sa kalagitnaan ng mainit na kontrobersiyal na away na umiikot sa pamilyang W...