CHAPTER 1: Condition

3.1K 181 147
                                    

CADEN'S POV

Payday ko ngayon sa dalawang pinagtatrabahuan kong part time. Pagkatapos kong malaman na hindi na ako kasali sa mga scholars sa IUSA ay madami na akong pinasukang trabaho.

Pero sa totoo lang hindi ko rin alam kung paano ako naging scholar dun. Kokonti lang kasi braincells ko. Mga payb lang ganun tapos pumanaw ang isa kaya por nalang.

Tatlo atang mga trabaho ang pinasukan ko. Sa coffee shop malapit sa school, sa isang chicken resto, sa Mang Inasal kung saan dinadala ko sa bahay 'yong mga tirang unli rice at isali niyo nalang din pala 'yong pagtulong ko kay Manong-taga benta ng hatdog sa park.

Bago ko pa makalimutan, magpapakilala muna ako. Alam kong alam niyo na kung sino ako pero sasabihin ko pa rin.

Ba't ba? Sabi ni otor, eh. Kasama daw sa script.

Ako si Caden Del Mundo, gaya ng mga kaibigan ko ay dapat nasa second year na ako ng kolehiyo kaso lang ay madami akong bagsak last year dahil hindi kinaya ng kakaramput kong braincells kaya ayun, uulit na naman ako ng first year.

"It's 2,545 pesos and 50 cents, sir." Nakahigop ata ng sobra sobrang kaligayahan ang cashier habang halos mapunit na ang labi niya sa laki ng kanyang pagkakangiti.

Nagrocery ako sa supermarket at bumili ng pagkain pati na rin mga laruan para sa pupuntahan ko.

"Eto po."
Nagbigay ako ng tritawsan sakanya.

Ginamit niya ang calculator upang i-minus ang babayaran ko dahil hindi kaya ng maliit niyang utak ang pagbibilang sa isip.

Aypilyu ateng cashier.

Pagkatapos ng ilang segundo ay inabot na niya sakin ang sukli. Bago ko kunin ang box kung saan naglalaman ang pinambili ko na pinack ni Manong tiglagay sa box ay binilang ko muna ang sukli ko.

Uusog na sana ang linya nung nagsalita ako. "Ate, kulang ho 'yong sukli niyo." Reklamo ko.

"Uhmm.." nawala ang ngiti sa punit niyang labi. "Ilan po ba 'yong sinukli ko?"

"Porhandred pipty payb po." Sagot ko naman.

"Tama naman po 'yong binigay ko, sir."

Umiling ako. "Hindi po. Kulang ng pipty sens."

Bahagyang napamaang ang bibig niya at hiniling ko sana mapasukan 'yon ng langaw. Ang kasunod ko naman sa linya ay kanya kanyang reklamo na dahil antagal ko natapos.

Sino ba kasing may sabi sakanilang pumila sila kung saan ako nakapila? Problema na nila 'yon mapapanget sila, eh.

"A-aahh wala ho kasi kaming fifty cents kaya eto nalang po." Nilagay niya sa nakabukas kong palad. Tiningnan ko ang green na bilog na candy na binigay niya.

Kumurap kurap ako at muli siyang tiningnan. "Pwede na ho kayo umusog sir. May naghihintay na po ang sunod sa pila." Inilahad ni Manong tiga lagay sa box ang daan palayo sa counter.

Pwede na palang gamiting perang pamalit ang candy ngayon?

Dala dala ang mga pinamili ko ay lumabas ako ng supermarket at dumiresto sa naka park kong sasakyan-

De joke lang, wala akong sasakyan. Magjejeep lang talaga ako.

Natagalan ako sa pag-aabang ng jeep dahil pinipili ko 'yong makukulay hindi 'yong halos magretire na.

Choosy ko 'diba? Ganyan pag mahirap.

"Paraaaa!" Sigaw ko sa driver sa isang jeep at huminto ito sa harapan ko. "Para ako sa'yo yieeee! Andar na po kayoo ulit! Hehehe"

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon