Isang taon na ang lumipas simula nung gawin namin ang character ni Caden. So yeah! HAPPY BIRTHDAY sa bobong mahilig sa hatdog! More hatdogs to cum and more Channie's tutut to blow! mwahaha!
CADEN'S POV"Yaaaaaay! Umaga naaaa!" Maganda ang naging gising ko sa umaga. Itinaas ko ang dalawang kamay, naghikab at nag-unat. "Birthday ko naaaaa YAAAAAAAY!" punong tuwa na sigaw ko.
Excited na ako! Ano kaya ibibigay nilang gift sakin? Hihi sana pagkain!
Tumayo na ako at pumasok na sa CR upang maligo. Todo kanta ako ng happy birthday sa sarili ko habang nagshashampoo, nagsasabon at nagtotoothbrush. Pati din sa pagbihis ng uniporm ay hindi pa rin ako tumigil.
"Hapi bertdey Caden~ Hapi bertdey Caden~ Hapi bertdey! Hapi bertdey!Hapi bertdey Caden! YAAAAAAY!" pumalakpak pa ako niyan ah.
Nagsuklay ako at nagwacky sa salamin bago ako lumabas dala dala ang bag ko. "Goodmorning po, Mang Hairy!" maligalig na bati ko sa hardinero na abala na naman sa pagiging barbero niya ng halaman.
"Goodmorning, iho. Handa na ang agahan mo sa gazebo." aniya sakin na saglit na tinigil ang ginagawa.
Sa sinabi niyang 'yon ay bahagya akong nanlumo. Ngayon kasing mga nakaraang araw ay hindi ko na nakakasabay sakin si Channie na kumain kasi maaga daw siya nagtatrabaho. Ipinagluluto naman ako ng mga maid at sa gazebo lang ako pinapakain.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomanceMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...