CHAPTER 34: Gone

1.8K 155 153
                                    

Kahapon pa sana 'to kaso nirevise ko, Yobea's! Enjoy the slow torture
-A

CADEN'S POV

Nakatitig ako sa kahon ng singsing habang hinahaplos ang parte na nadumihan dahil sa naging pagtilapon nito kagabi.

Oo, umaga na at hanggang ngayon nandito pa rin ako sa parke, nakaupo sa isang bench habang hindi nililisan ang tingin sa singsing.

Gusto mang mamahinga ng nanghahapdi kong mga mata ay hindi naman ako pinatulog ng utak ko. Masyado ding mahapdi ang puso ko.

Lumabas ang isang malalim na buntonghininga sakin.

"Caden." napatingala ako nung marinig ko ang tinig na 'yon.

Nakangiti si Saro habang nakatayo sa harap ko. Matamis man ang pagkaka arko ng mga labi niya ay hindi ako magawang hawaan. "Oh eto." nilahad niya sakin ang isang stick ng hotdog. Ilang segundo ko 'yong pinagmasdan. Nakakatakaw ang pagiging pula nito pero..

Hindi ko 'yon tinanggap.

Muli akong tumungo. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya saka siya naupo sa tabi ko. "Saro.." piyok ang boses kong 'yon. "masyado ba talaga akong.." lumunok ako. "bobo?"

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang ani.

"Ginawa ko n-naman lahat, eh." kinagat ko ang pang ibabang labi upang mapigilan ang paghikbi ko. "Nagpaka bobo ako.. para.. p-para pasayahin sila.. kahit na.. m-magmukha akong tanga." muli na namang humahapdi ang puso ko. "pero sa tingin ko... sa halip na magbigay ng tuwa, sakit sa ulo a-ang dinala ko.."

"Hindi totoo 'yan, Caden." madiin ang pagkakasabi ni Saro sa mga salitang 'yon. Hinawakan niya ang balikat ko saka ako hinarap sakanya.

Tumingin ako sa mukha niya. "Bakit... bakit walang may gustong makasama ako, Saro?" ngumuso ang labi ko sa pagbadya kong pag-iyak. "Dahil ba baliw ako..? Mamamatay tao..?"

"Caden." sinaway niya ako. Kita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya para sakin. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan."

"Kahit ikaw.." bahagya siyang nagulat sa sinambit ko. "Si Calvino ang gusto mong makasama..." umiling ako. "hindi ako.." hindi siya nakapagsalita sa katotohanang 'yon.

Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko. "Si Cedro.. 'yong k-kapatid ko.. ayaw na niya akong makita.." Habang naalala ang mga mata ng bunso ko na puno ng pagkamuhi ay  nag-unahan ang mga luha sa mata ko. "Pero alam ko namang nababagay lang 'yon sakin..." napakahapdi na ng puso ko. "Pinatay ko mga m-magulang niya, Saro."

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, Caden-"

"Pinatay ko mga magulang k-ko..." mariin akong napapikit at nagtila ulan na ang mga luha ko. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Saro sa nanginginig kong balikat. "P-Pinatay ko sila.. pinatay ko.."

Hinaplos ko ang naninikip at bumibigat kong dibdib, inaalala ang lahat ng masasamang bagay na ginawa ko. Sa ilang mga taong sinaktan ko, kulang pa ang parusang 'to.

Isang malaking kasalanan ang pagiging masaya ko sa piling ni Channie. Ang isang taong katulad ko, ay walang karapatang sumaya.

"Tapos na, Saro." ani ko at sinubukang ikalma ang sarili. "Tapos na ang oras na binigay niyo sakin.." nilingon ko siya at kaagad na nagtama ang mga paningin namin. "Patawarin mo ko.." sinserong wika ko. "Sa ginawa ko sayo." kita ang bahagya niyang pagkagulat sa mukha nung makuha kung ano ang tinutukoy ko.

(YB: This is about what happened in Chap 26 ) 

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, Caden. Ginusto ko rin 'yon." Aniya. Nahihimigan ko ang pagkokonsensya niya. Hindi para sakin kundi para kay Calvino.

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon