DISCLAIMER: The first part of this chapter contains a tiny bit of the truth behind what really is going on with CALVINO and CADEN. But before you proceed, please know that some information you're about to read is considered as FALSE in our real world. It goes AGAINST what SCIENCE believes and this phenomenon can NEVER happen in REAL LIFE. It is only the product of our combined IMAGINATIONS.
In short, mga KACHURVAHAN lang 'to ng malilikot na utak ng mga otors niyo. Kung tinatanong niya paano namin naisip ang ganito konsepto well, hindi rin namin alam. Wag seryosohin dahil sasabog lang ang inyong mga utak. TENKYU ehe.
ALSO, dahil namiss namin kayo at ang bongba niyang mga assumptions, 100 COMMENTS at ipupublish na namin ang next chapter! AGAD AGAD!
YB'S WARNING: Light smut ahead.
Enjoy Reading Yobea's!
LAZARO'S POV"Why do I have to learn all of this, Lazaro?" kanina pa reklamo ng reklamo ang kapatid kong si Lorenzo habang tinuturo ko sakaniya isa isa ang mga iba't ibang machines sa loob ng malapad naming laboratoryo.
Ngunit kahit taliwas sa gusto niya ang ginagawa namin ngayon, alam kong tinatatak niya sa isip ang bawat impormasyong inihahayag ko sakaniya.
"I've been telling you that's it's useless because you're gonna be incharge in here for as long as you live and the clan won't be needing me!" muli niyang reklamo. "I should be having a date with Primo right now if it weren't for this so called lab class of yours!"
"Time will come that you will be the one operating all of this, Lorenzo." sambit ko sakaniya.
"Why? Aalis ka ba?" oo, may alam siyang konting tagalog. 'Yong tipong may accent pero maiintindihan mo pa rin.
Lorenzo is the same age as Cedro. Sa edad niya ay wala siyang ibang alam kung hindi ang magsaya at bumuntot kay Primo sa kung saan saan.
Oo, may gusto siya sa kapatid ng asawa ko pero sa kasamaang palad hindi naman ito interesado sakaniya. Alam niya ding may ibang mahal ang mahal niya pero patuloy pa din siya sa paghabol dito. Umaasang balang araw ay mahuhulog si Primo sakaniya.
"Saan ka pupunta, Lazaro?" muli niyang tanong nung hindi ko nasagot ang nauna. "You'll leave us here?"
"Syempre hindi." pinitik ko ang noo niya na lubos niyang ikinangiwi. "We don't know what will happen in the future. Mas mabuti ng nakahanda ka na."
"What do you mean?" napuno ng pag-aalala ang mga mata niya. Tumawa ako para maibsan 'yon. Nagtagumpay naman ako.
"There will be times na magbabakasyon kami ni Calvino." umarko ang nakakalokong ngiti sa labi ko. "Kailangan din namin ng paminsan minsang honeymoon, you know."
Ngumiwi siya at nag-iwas ng tingin. "Kung alam ko lang araw araw nga kayong naghohoneymoon, eh."
Malakas akong humalakhak sa sinabi niya. Kilalang kilala talaga ako ng kapatid ko.
"What's this commotion all about?"
Sa gitna ng walang humpay kong tawa ay dumating ang asawa ko.
Dumiretso sa harap ko si Calvino at dinampian ko siya sa labi. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pagngiwi at ang paglihis ng tingin ni Lorenzo."Pinag-uusapan lang namin ang magiging honeymoon natin, mio amore." sagot ko sa tanong niya at isang simpleng pagngiti lang ang kaniyang naging tugon. "Let's check him?" dahil sa katahimikan ay 'yon na ang naging suhestiyon ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomanceMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...