Chapter 58: Family

1.8K 65 40
                                    

CADEN's POV

Dahil napakahaba ng biyahe ay muntikan na akong mabored at tumalon mula sa bintana. Buti nalang ay pinigilan ako ni Channie at inaya akong manood ng peppa pig. Sumayaw din siya ng baby shark nung inutusan ko. Nagmukha siyang matigas na poste pero pasado na rin.

Ang mga kasama namin ay todo tawa. Sina Pogi at Nixy ay talagang nagvideo pa habang halos gumulong na sa sahig kakahalakhak. 

"Channie Shark dutdururut durut! Channie Shark dudururut durut! Kembot ko konti Channie!" utos ko pa habang pumapalakpak. Napalunok siya at sinunod ang sinabi ko. "Yaaaay! Ang galing!"

"Go, boss! HAHAHAHA Gagawin ang lahat para sa asawa!" si Pogi Lucas

"Magtwerk ka na din, Reece! Show them ass! HAHAHAH!" si Nixy.

Gusto mang gulpuhin ni Channie ang dalawa ay hindi niya magawa dahil natutuwa pa akong panoorin siya.

"Mafia boss niyo pinagkembot lang ng isang Caden! HAHAHAH!"

"HAHAHAH! Under yarn!"

"At ikaw hindi, Odrius?" Natigil ang tawanan at pagbibijo nila nung magsalita si Baby Sed Sed katabi si Primo.

"Lucas." tawag ni Primo sa jowa niya.

"Yes, bebe Lux?"

"Dance. Join Reece."

"H-Ha..?" biglang namutla si Pogi.

"Ikaw din Onyx." ani Baby Sed Sed. Naestatwang napatitig sakaniya si Nixy.  "You said you'd do everything for me. Now I want you dance baby shark."

"I'd prefer you to tell me to jump off the plane than ask me to dance, Cedro." sambit ni Nixy na napapalunok na.

"Jumping off is easy. If you really love me you will dance."

At ang nangyari, tatlo na silang sumasayaw ngayon. Sumilay ang mga matagumpay na ngiti ni Channie nung makitang kasama na niya ang mga nanunuksong kaibigan. Sina Primo at Baby Sed Sed na ang nagbibidyo

"Nixy Shark dutdururut durut! Pogi Shark dutdururut durut! Channie shark!"  kumanta ako kasabay ng speakers. "Showdown 'to! Ang pinakamagaling kumembot ay makakaupo na!"

Dahil sa sinigaw kong 'yon ay biglang gumiling at humataw ang tatlo.

"Hahahah nakakahiya ka Onyx!" tawa ni Baby Sed Sed habang tinutwerkan na nina Pogi at Nixy ang tila posteng si Channie.

"I'm dying! Hahahah" si Primo na pinapanood gumrind si Pogi sa ngumingiwi kong asawa.

Kahit halos sumabog na sa pandidiri dahil sa ginagawa ng mga kaibigan niya ay tiniis ni Channie at patuloy na nagbaby shark para lang pasayahin ako. Kaya mahal na mahal ko 'yan, eh.

Oh Pak! Saan kayo makakahanap ng mafia boss na sumasayaw ng baby shark! HAHAHAHA!

Limang oras ang itinagal namin sa eroplano bago kami tuluyang nakarating sa Pilipinas. Dumiretso na kami sa lugar kung nasaan ang underground laboratory ng mga magulang ko at kung saan kami itinago ni Calvino noon.

Nung lumapag ang private plane ay nagsilabasan na kami. Abandonado na ang buong lugar at halatang wala ng naninirahan sa mga lumang bahay. Tahimik dito at walang ibang naririnig kundi ang mga punong sumasayaw sa bawat pag-ihip ng hangin.  Sa paglalakad namin papunta sa lokasyon ay biglang hinawakan ni Channie ang kamay ko.

"Ang galing mo sumayaw, Channie." nakangiti akong papuri sakaniya. "Pero aminin mo, poste ka sa past life mo 'noh?"

Marahan siyang natawa. "That was emabarassing, Caden." Pero as long as matutuwa ka, I won't mind doing it again and again."

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon