CHAPTER 48: Pyscho ll

1.1K 76 70
                                    

CEDRO'S POV

"Anong ibig niyong sabihin, Doc?"

Nakaupo ako sa sofa kasama si Primo at sa harap namin ay si Doctor Del Mundo.

"But you said Caden was fine!" tuluyan ng tumaas ang boses ni Primo sa naging rebelasyon ng Doktor.

"Ngayon ko lang din nadiskubre. Patawarin niyo ko." he said with a heavy heart too. "Fuego and Jiro experimented his brain. Scanned even the deepest corners using different paraphernalia. Those methods and Caden trying to keep Calvino unconscious inside amidst the tormention... 'Yon ang mga naging dahilan."

"Alam niyo naman siguro na isang alter lang si Caden. It may seem unbelievable and unexplainable but him being revived after death and joined his twin's body was all because of your parents' experimentation and Calvino's desperation and longing.:

"and.. he's fading..?" My voice trembled. Tears rolled down on my cheecks. Naramdaman ko ang haplos ng kamay ni Primo sa likod ko.. "I don't.. w-wanna lose him the second time around, Primo.. I can't.. not our Caden p-please... n-not him.."

"Wala ba tayong.. pwedeng gawin, Doc?" si Primo. "There's definitely a way, right?"  

Huminga ng malalim ang Doctor. "Gagawin ko ang makakaya ko.."

"il capos." sa gitna ng usapan ay dumating ang mga tauhan namin.

Mabilis kaming napatayo.

"Anong nangyayari?"

"We have received something from the Russian."

We immediately went down to the underground headquarters. Sumunod ang dalawa pang Buenavista at ang ibang kasama namin sa mansion.

Kaagad na napunta ang mga paningin namin sa malaking screen kung nasaan nakaplay ang isang video clip.

By the looks of it, it was Reece lying on a wheeled stretcher. It was definitely a view from a surveillance camera. When the body arrived at a room, there was already a white cloth wrapped around the body.

"What's.. what's happening?" boses 'yon ng nagngangalang Shawn.

"Anong g-ginagawa nila?" si Coby.

Ang sunod nilang ginawa ang siyang nagpahiwalay sa mga labi ko.

Ipinasok nila ang katawan sa cremator at walang pag-aalinlangang pinaandar. Nagliyab ang apoy sa loob at lahat kami'y hindi nakapagsalita.

Sinalo ni Gun ang nobyong nawalan ng lakas sa nakita. Maging si Primo ay kinailangan pang suportahan ni Lucas upang makatayo. Iba't ibang reaksyon ang nakuha ko mula sa mga kasamahan namin.

"No..." bulong ko at napasapo sa noo. "No... this can't be.. Reece can't be dead..!"

"Cedro.."

Ang mga ulo nami'y awtomatikong napalingon sa likod nung marinig namin ang pamilyar na boses na 'yon.

"C.. Caden.."

Nakatayo at tulalang nakatingin sa malaking monitor. Blanko ang ekspresyon ng mukha ngunit hinang hina ang kislap ng mata.

Nagulat kaming lahat nung makita siya.

His dead eyes landed on me.

"Sabi mo..." namuo ang luha sa mga mata niya. "Sabi mo ay ayos lang siya.."

"Caden.. I—"

"Sabi niyo nagpapahinga lang siya!" tuluyan na siyang nawalan ng kontrol sa sarili. "Nagsinungaling kayong lahat sakin!"

Mariin akong napapikit nung pinuno ng basag niyang boses ang tenga ko.

"Mga sinungaling kayo..!" malakas niyang iyak. "Pinaniwala niyo akong nandito si Channie! Naging panatag ang loob ko ngunit niloko niyo kong lahat!"

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon