This chapter is worth 7.3k words! Enjoy mga bibi! Mwa!
3RD PERSON'S POV
"Magnus took Calvino?!" 'yon ang naging pag singhal ni Cedro nung malaman niya ang balita. Hindi sila makapaniwalang dalawa ni Primo at mula sakanilang pag-aalmusal ay napatayo silang pareho.
Hindi na sila nagsayang pa ng segundo at kaagad na pinuntahan si Lazaro. Partikular sakaniyang head quarters. Pagdating na sila sa mismong building ay lahat ng tao'y napaka abala. May kaniya kaniyang ginagawa, lakad dito at lakad doon.
Titigil lamang ang mga ito sa tuwing tutungo at magbibigay ng respeto sa dalawang Altamura.
Dumiretso sila sa kung nasaan si Lazaro. Nasa harap ito ng isang malaking machine na pinalilibutan ng mga monitor kung saan nakapaskil ang iba't ibang mapa ng mundo at mga codes na hindi maiintindihan ng karaniwang tao.
Kasama niya ang kaniyang iba pang mga tauhan na todo tipa sa kani-kanilang keyboard na para bang nakasalalay ang mga buhay nila dito.
"We still can't reach Magnus' Empire, il capo." may lumapit na tauhan. Nanginginig ito at talagang takot na takot. Binalingan siya ni Lazaro.
"What did you say?" bumaling si Lazaro dito. Makikita sakaniyang mukha na anumang oras ay sasabog na ito. "Wag kang babalik sa akin pag hindi mo pa nagagawa ang inutos ko!" umigting ang tauhan. Si Primo at Cedro na siyang nasa malayo at nakapanood ay nagkatinginan sa isa't isa.
Ito ang unang beses na nakita nila si Lazaro ng ganito.
"Now go and do everything you can to contact that asshole!" dagdag niyang bulyaw.
Tumungo ang tauhan. "Y-Yes, il capo..!" pagkatapos ay nagmadali na itong tumakbo palayo.
Kinuha ng dalawang Altamura ang opurtunidad na 'yon upang makalapit na.
"Lazaro." tawag ni Primo sakaniya. Ang kaninang inis na ekspresyon ni Lazaro ay bahagyang lumambot. Makikita mo na ang pagod sa kaniyang mukha.
"Kinuha niya si Calvino at itinago simula pa kahapon." sambit ni Lazaro. "Hindi namin magawang kontakin man lang si Magnus para makipag-usap."
"You still wanna talk this out even if he had abducted your wife?" hindi makapaniwalang ani Cedro. Nakakahanga lang kasi talaga ang pagiging kalma ni Lazaro. Na kahit sa mga ganitong sitwasyon ay mas nanaisin niyang ayusin ang lahat sa pakikipag-usap.
"Ofcourse, Cedro." sagot nito. "Ayoko ng gulo. Pero kapag hindi niya pa rin ibinalik sakin si Calvino wala na akong magagawa kundi-"
"tumira." biglang dumating si Lorenzo at siya na mismo ang nagtapos sa sasabihin ng kapatid. "We'll give those Buenavistas war." napatingin silang lahat kay Lorenzo. "We've been keeping silent and patient all these years. We cancelled the plan in destroying their family because we promised Caden to make them safe.."
".. pero si Calvino na ang pinag-uusapan dito." si Cedro na naman ang nagsalita. "They killed my parents.. they killed Caden and now they're stealing the leader of Ndrangheta, don't you think it's really time to strike?" nagsimula ng mabuhay ang dugo ni Cedro.
Ganito ang gusto niya. Mahilig siya sa gulo at sa isiping sa wakas ay makakapaghiganti na ay hindi niya maiwasang manabik.
"But this is not what Caden wants.." napatingin silang lahat kay Primo. "If he found out that we hurt the family he protected.. if we hurt his Magnus, god knows what he'll do.."
"What do you mean?" si Cedro. "Pamilya niya tayo, Primo! Si Calvino na din ang tinataya natin dito! You know how crazy Caden will be if his twin got hurt!"
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomansaMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...