CHAPTER 31: Ring

1.6K 115 57
                                    

This chapter ay para sa mag asawang ginawang landian ang comment section ko! Walang iba kundi sina Wakizashi_Kaito and Asawa_ni_Kaito2021 Hahahaha landian talaga nila ang inaabangan ko every ud ko hihi Enjoy this chapter everyone!

CADEN'S POV

"Wag kang mawawala Caden ah? Sa grocery lang kami!" habilin sakin ni Zone bago kami naghiwalay.

"Hanapin mo lang ako sa Lost and Pawnd pag nawala ako, Zone! Babye!" kaway ko.

Nasa mall ako ngayon. Sumama ako kina Zone at Cauro na mamili. Pumunta sila doon sa may madaming pagkain at naisipan ko namang ilibang muna ang sarili ko sa mga kung ano anong paninda rito.

Tingin lang kasi wala tayo pera

Naging curios ako doon sa isang bilihanan ng bag na may nakalagay na malaking pangalan na ang basa ay "Chan.. Chanel?" napakamot ako sa ulo. "Ba't Chanel pangalan eh hindi naman sila nagbebenta ng TV?" tinanong ko ang sarili ko. "Baka may Chanel seben Kapuso sila, nood sana ako encantadia."

Basta ako sa Habagat ah? Kilala niyo 'yon? Ha! Hindi noh? Siya ang nawawalang kapatid ni Amihan at jowa ni Lolo Imaw!

Nung humakbang ako paloob ay ang dalawang plastic na ngiti ng dalawang saleslady ang bumati sakin. "Good day, sir. What can we do for you?"

Dahil mabait naman ako ngayon ay ngumiti din ako ng metal. Yoko sa plastic, eh. Metal para sosyal. "Manonood sana ako ng Chanel seben miss. May encantadia kayo?"

Nagkatinginan silang dalawa at nagpalitan ng mga naguguluhang pagsesenyasan.

Sige, subukan niyo akong hindian susumbong ko kayo kay Channie!

"Uhmm..." nangapa ng sasabihan ang isa. "We don't have that in here, sir."

"Ahhhh siguro Kapamilya kayo 'noh?" tanong ko.

"U-Uhh.. no sir-"

"Alam ko na!" ani ko. Kapatid?!" panghuhula ko at nanatili silang hindi makapagsalita. "Tsss.. ang labo niyo naman kausap."

(A: Luh, sila pa talaga ang malabo?)

"Makikinood lang encantadia eh. 'Yong pawer pawer tas lolo Imaw!" bumusangot na ako. "Ba't hindi niyo alam 'yon? Magsara na kayo!" huling sambit ko pagkatapos ay lumabas na.

Nakakainis naman! Hindi kasi ako nakapanood kagabi kasi tinuruan ko magtiktok si Channie! Hays!

Muli ulit akong naglakad lakad. Maraming mga tao ngayon ang mall kasi weekend. Nung malagpasan ko ang isang kumikintab na store ay muli akong umatras at sumilip. "Wow!" namamangha kong ani habang ginagala ang mga paninda sa loob mula sa kinatatayuan ko.

Naglakad ako papasok at binati na naman ng dalawang salesgentlemen. Saleslady 'yong nasa kabila,eh.

Nakalagay sa mga glass ang iba't ibang nagkikintabang mga jewelry. May mga kwintas, hikaw, singsing at mga bracelet.

Lumapit ako sa gitna kung nasaan nakalagay ang isang mahabang glass na may mga jewelry sa loob.

"Babe, honeybunch, love of my life! I want this one!" sa tapat ko ay naroon ang isang babae. Punong puno ng mamahaling accessories ang kanyang katawan.

Napakayaman siguro nito.

May lumapit sakanya na isang lalake. Hindi gaya ng babae ay tanging isang kwintas lang ang tangi niyang palamuti.

"Those rings, mahal?" tanong nito.

Wow, mahal. Tawagin ko kayang mura si Channie? Baka matuwa 'yon sakin!

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon