CHAPTER 3: Home

1.9K 148 189
                                    

CADEN'S POV

"You're going to be living here, Caden." Lumabas ako mula sa mahabang puting sasakyan.

"Waaaahhhh..." Napanganga ako nung matanaw ko ang isang napakalaking bahay. Bahagya pa akong napapikit nung tumama ang sinag ng araw sa taas ng itiningala ko.

Mapuputol ata leeg ko neto!

Sobrang laki ng bahay. At kapag sinabi kong malaki! Malaki talaga! Moderno ito at halos lahat ng nakikita ko ay babasagin. Ang mga pader ay glass. Kahit siguro ibenta ko ang kaluluwa ko ay hindi pa rin 'yon sapat na pambayad kapag nagasgasan ang kahit maliit na parte nito.

Hindi ako makapaniwalang dito na ako titira! Makakalabas na din ako sa maliit kong apartment sa wakas!

Pero pano muna 'yong magbenta ng kaluluwa? Saan nanggaling 'yon?

Ang asawa ko-

Shet! Asawa!

Napansin ko ang presensya ng anak ni Sir Sean sa gilid ko. Hindi ko akalain na ang mapapangasawa ko pala ay 'yong may-ari ng sasakyan na nakaalitan ko sa park.

Ang bango niya! Nahiya 'yong juicy cologne ko na blue.

"Let's get in?" Alok ni Sir Sean at excited naman akong tumango.

Nung makapasok kami sa mansion ay nadagdagan ang paghanga ko nung halos lahat ng nakikita kong disenyo ay ginto. Ang mga maids ay suot ang mga uniform nila at nakapila sa daan.

Basta nalang akong napanganga habang pinapasyal ang mga mata ko sa kung saan saan. Lahat ay parang nagniningning.

Char! Star lang ang peg

"Uhmm.. Caden?" Napabalik ako sa wisyo nung tumikhim si Sir Sean.

Ngayon ko lang napansin na napatigil na pala ako sa paglalakad at nakanganga habang sila ay nasa malayo na.

Mabilis naman kaagad akong sumunod.

Simula pa kanina ay ramdam ko ang masamang aura ng anak ni Sir Sean. Masama ang mga tingin na iginagawad niya sakin.

Nakarating kami sa dining area at parang nakarating ako sa langit bung makita ko ang mesang puno puno ng iba't ibang putahe ng pagkain. Maayos ang pagkakalagay ng bawat isa at may malaking lechon sa gitna.

At may apple pa siya sa bibig wah!

Mabilis akong naglakad papunta sa mesa. "Wowwww andami namang pagkain neto! Parang may piyesta!" Manghang manghang sambit ko.

Rinig ko ang paghalakhak ng matanda na naaaliw ata sakin. Hindi ako nag alinlangang umupo. Kinuha ko ang puting tela sa gilid at nilagay sa kwelyo ng damit ko. Pinulot ko ang kutsara at tinidor na maayos na nakalatag sa gilid ng plato.

"Kain na po tayo!" Masiglang alok ko sakanila.

Dalawang hatdog lang kinain ko para sa agahan kaya gutom na gutom ako!

Napapailing naman na sumunod si Sir Sean at ang anak niyang napakasuplado. Kapwa sila nakasuot ng pormal. 'Yong pangkasal pero hindi isinali 'yong tie. Talong talo ang peppa pig kong pajamas.

Nagsimula na akong kumuha ng pagkain at nilagay sa plato ko. Ang una kong pinunterya ay 'yong lechon. Huling kain ko neto nung recognition pa sa party nina Gun. Last Year pa 'yon. Kinuha ko 'yong kutsilyo at hihiwa sana nung pinigilan ako nung isang body guard na kasa-kasama ng anak ni Sir Sean.

Ayaw niya ata ipakain sakin ang baboy! Porke't kalahi niya ay pagbabawalan na niya ako?! No way!

Masama ang tingin ko sakanya.

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon