WARNING: There are some scenes that can make one uncomfortable so read with caution and skip if you want to. -YB
3RD PERSON'S POV
Dalawang taon na ang lumipas simula nung masagasaan ang batang si Caden. Gustuhin man ng ng mag-asawang Altamura na makamit ang hustisya, wala silang sapat na ebidensiya para parasuhan ang siyang nagkasala. Posible itong maging sanhi ng gulo at malagay sa panganib ang pamilya nila. Ayaw nilang madamay pa ang kanilang ibang mga anak.
Hindi nila matanggap ang pagkamatay ng isa sa mga kambal kaya gumawa sila ng paraan. Naging makasarili sila at ineksperimentohan ang patay na katawan. Sinuri nila ang parte ng utak kung saan nakalagay ang lahat ng alaala ni Caden. Nagtagumpay silang mailipat ang mga 'yon kay Calvino.
Hindi pa doon nagtapos ang pag-eksperimento ng mag-asawa. Araw at gabi ay hindi sila tumigil. Halos sa laboratoryo na nga sila tumira. Ilang beses nilang sinubukan. Ilang posibleng paraan na ang ginawa nila. Lahat ng maaaring gawin ay ginawa na din.
Ngunit lumipas ang tatlong taon.. at wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin bumabalik ang anak nila. Hindi pa rin ito nabuhay sa katawan ni Calvino.
"Mom.. Dad.." mula sa glass cubicle ay nagsalita ang nanghihina ng si Calvino. Nakahiga ito sa isang kama habang napakarami at iba't ibang wires ang nakadugtong sakaniyang ulo. "It hurts.."
Dahil sakanilang walang tigil na pag-eeksperimento, sa walang tigil nilang pagsusumikap na buhayin si Caden, hindi nila namalayang si Calvino naman ang pinapatay nila.
"Baby.." kaya mula sa labas ay pumasok ang babaeng Altamura at niyakap ang anak niya. "I'm sorry, baby.." lumuluha na rin ito habang hinahaplos ang buhok ng anak niyang halos wala ng lakas. "We're really sorry, Calvino.."
Sumunod sa pagpasok ang lalakeng Altamura at sumali sa pagyayakapan ng mag-ina niya.
"No.. it's.. it's okay, Mom.." tumingala si Calvino sa mga magulang niya. "Caden.. did you save Caden, Mom? Is he.. is he okay now?" Mas lalo pang naluha ang ina sa mga salitang 'yon ng anak niya.
Hindi niya alam kung paano sasabihin na hindi sila nagtagumpay.
Bumaling si Calvino sakaniyang ama.
"Dad.. you said.. you said you can bring him back.." Nanginginig na ang boses na 'yon ni Calvino. "Caden is.. is back, right?" sa halip na sumagot ay nag-iwas ito ng tingin. "He's right here already, right?" tinuro ni Calvino ang puso niya.
Napagtanto ni Calvino ang sitwasyon dahil sa mga reaksyon. Kahit hindi nila sabihin, naintindihan niya na, sa loob ng tatlong taon walang tigil silang nagsumikap ay wala pa rin. Hindi nila maibalik si Caden.
Sa araw na 'yon, pansamantala silang tumigil at pinagpahinga ang mga sarili sa mga taong halos wala silang tulog. Ang mag-asawa'y sinampal ng realisasyon na hindi nila dapat isinasakripisyo ang katawan ni Calvino para kay Caden.
Nagpatuloy ang mga buhay nila. Pinilit nilang maging masaya kahit may kulang na.
Isang araw ay nagkaroon sila ng pagtitipon sakanilang mansion. Isang simpleng pagsasalo dahil kaarawan ni Primo.
Iilang tao lang ang inimbitahan nila dahil na rin delikado. Kabilang sa mga dumating ay ang mag-asawang Reign at Sean Buenavista kasama ang anak nila.
(On Chapter 33 where this scene first came out, only Reece's Dad was there at the party but we will be making a small change and will be adding his Mom too)
"Nice to see the both of you here." Sambit ng lalakeng Altamura at nakipagbatian sa mag-asawa.
'"I'm happy you made it!" puno ng tuwang ani ng babaeng Altamura at nakipagbeso sa dalawa. "You look gorgeous as always Reign!"
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
Roman d'amourMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...