CHAPTER 49: ...

1.3K 84 66
                                    

(Play Team by Lorde on the media for better reading).

THIS IS WORTH TWO CHAPTERS BUT WE COMBINED IT INTO ONE. ENJOY!

3RD PERSON'S POV

Sa muling pagbangon ni Caden ay hindi na siya ang nakaharap nila. Si Calvino ng muli ito sapagkat tuluyan ng napagod si Caden at tumanggi ng lumabas.

Sa mundong ginawa nilang pareho sa loob ng nag-iiisa nilang isip, ay nandoon nakaupo at nakatingin sa kawalan ang labing isang taong gulang na si Caden at ang tatlumpu't tatlong taon na si Calvino.

Dahil namatay si Caden noon, nanatili siyang bata sa loob ng kanilang isipan.

"Ayaw mo na, bambino?" tanong ni Calvino sa kakambal niya. Kitang kita niya, gaya ng sabi ng Doctor, unti-unti siyang nawawala. "Ayaw mo ng lumabas?"

Umiling siya. "Para saan pa?" huminga siya ng malalim. "Muntik ko ng masaktan ang mga kapatid natin.. muntik ko ng masira ang pamilya natin, Corbin..."

Hinaplos niya ang likod ng kakambal upang kahit papano'y gumaan ang bigat ng nararamdaman nito.

"Wala na din si Channie.. wala na ang a-asawa ko.. kaya ano pang dahilan ng buhay ko?"

Dinurog ang puso ni Calvino sa narinig niya. Noon, siya ang dahilan kung bakit nagpapakabuhay si Caden kahit mahirap at komplikado. Ngayon, iba na ang rason at ang tanging rason na 'yon ay nawala pa. Masakit para kay Calvino na marinig 'yon.

"Ayoko na.. dito nalang ako.." ani Caden at ngumiti ng malungkot. "Para wala na ding masaktan.. para bumalik na sa normal ang mga buhay niyo.."

"But we need you.. I need you, bambino.."

"Makakausap mo pa din naman ako dito, eh." hinawakan niya ang kamay ng kakambal. "Tuwing gabi, dating gawi.. hindi naman ako mawawala.."

Doon na naluha si Calvino.

Hindi alam ni Caden na.. unti-unti na siyang naglalaho. 'Yon ang mas ikinasikip ng dibdib ni Calvino.

I don't wanna lose him the second time..

"You'll stay with me..?"

Pinunasan ni Caden ang basang pisngi ng kakambal niya.

"Oo naman." ngumiti siya ng malungkot. "Lalabas lang ako kapag... nagfaster baby kayo ni Saro at pagod ka na.. pwede akong maging substitute sandali hehe.."

Ang umiiyak na si Calvino ay natawa.

Sa gitna ng sakit na nararamdaman ni Caden sa pagkawala ni Reece ay nagawa niya pa ding magpatawa. Para kay Calvino... para kay Calvino lang..

"Biyudo na ako, eh.. kaya makikihiram nalang ako sa asawa mo.."

Mas lalo pang natawa si Calvino sa narinig niya. Alam niyang sa mga birong 'yon ni Caden nagtatago ang sakit.

"Hindi na rin masama si Saro.. point five lang naman agwat niya mula sa tutut ni Channie kaya ayos na din 'yon.."

Tuluyan ng napawi ang lungkot ni Calvino.

"You're crazy hahaha."

"Yannnn.. dapat masaya lang..." si Caden. "Kaya dapat mong bawiin si Saro.. kahit anong mangyari kailangan mo siyang mailigtas.."

Tumango si Calvino saka humawak sa kamay ng kakambal.

"Yes, I will... I promise.."

Pinagpahinga na ni Calvino ang kakambal niya at siya na ang gumamit ng katawan.

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon