CHAPTER 47: Sucess

1.3K 87 52
                                    

LAZARO'S POV

Mabilis ang pagpapaandar ng tauhan ko sa sasakyan. Kasama ko ang duguang Buenavista sa backseat. Wala siyang malay at maraming dugo na ang nawala sakaniya.

Inaalala ko pa rin ang kaligtasan ni Caden. Nakabalik na siya pero hindi ko magawang magdiwang sa sitwasyon namin ngayon.

He surrendered himself to the enemy for us. He is sacrifing himself again but this time, I won't let him.

Ililigtas namin siya kahit pa maging sanhi ito ng digmaan. Hindi ko hahayang magdusa na naman siyang muli.

Biglaan ang naging pagbreak ng sasakyan.

"Anong nangyayari?!" tanong ko sa tauhan.

"Someone is blocking the road, il capo."

Nagsilabasan ang mga tauhan ko mula sa naunang sasakyan at pati ang ibang nakasakay sa isa pang sasakyan sa likod.

Iniwan ko si Reece sa loob at lumabas na rin upang tingnan ang kasalukuyang sitwasyon.

Gaya ng sinabi ng tauhan ko ay may mga nakaitim na lalake ang nakaharang sa daan.

Ang mga trade mark sa mga suot nila ang siyang suimisimbolo kung anong mafia sila galing.

Ang mga lalakeng ito ay pinadala ng mafia ng Australia at Korea, mga ka-alyado ni Fuego at Jiro. Lumitaw ang kani-kanilang leader at nakompirma ko ngang tama ako.

Sa paraan pa lang ng pagtutok nila sa mga sandata ay kaagad kong naintindihan kung anong nais nilang mangyari pero sinubukan ko pa ring makipag-usap.

"What do you want?" tanong ko gamit ang lenggwaheng maiintindihan nila.

"Hand us the Buenavista." sagot ng leader ng Australia.

"Why are you doing this?"

Pasinghal silang ngumisi.

"You know the reason, Mancuso. We hate that man to the bones."

"Who would have thought mand that Sebastian Buenavista and The Magnus is the same person? How clichè."

"Hand him to us if you don't want to get involved, Mancuso."

Itinaas ko ang sleeves ng suot kong polo. Isang simpleng kilos 'yon na magbibigay sa mga tauhan ko ng senyales na maghanda.

"How unfortunate." Nagbuntonghininga ako. "You'll have to kill me first."

"It'll be our honor then."

Sa isang senyas mula sa kanilang mga leader ay nagsimula na ang pagpapaulan ng bala. Ganun din ang ginawa ng kampo ko.

Pinalibutan namin ang buong sasakyan kung nasaan si Reece. Kung ikukumpara sa kalaban ay kulang na kulang ang bilang namin ngunit hindi 'yon sapat na dahilan upang sumuko kami at hayaan silang tangayin si Reece.

Binuwis ni Caden ang buhay niya para sa taong 'to at ayokong mapunta sa wala ang sakripisyo niya.

Pero nabigo ako nung isang syringe ang biglang itinusok sa leeg ko. May kakaiba 'yong epekto na siyang nagpalabo sa paningin ko hanggang sa tuluyan ng umitim ang paligid.

PRIMO'S POV

It has been almost a week since Calvino went missing. Sinundan siya ni Lazaro ngunit ni isa sakanila ay walang bumalik.

Our mafia and the Mancuso are in the move, trying to search for them. Pero hindi na 'yon kailangan pa. Alam naming nasa kuta ng mga Rusyano at Hapones ang dalawa.

Ngunit hindi kami makagawa ng kilos upang iligtas sila. Oo, kumikilos ang mga tauhan namin. Kumikilos ang mga Buenavista. Pumupunta sa mga posibleng kuta ng kalaban ngunit bumabalik silang sawi at walang Calvino, Lazaro o Magnus na nadadala.

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon