CADEN'S POV
"Tangina! Ang lakas ng loob nilang gawin 'yon sayo! Hindi ba sila natatakot sakin?!" 'yon ang naging bulyaw sakin ni Coby.
"Ang liit mo,'tol. Hindi ka nakakatakot." pambabara naman ni Blake sakanya.
"Tangina mo, Blake!" mura niya naman pabalik dito. "At ikaw ha, Caden?! Bakit nagpaapi ka lang?! Ba't hindi ka lumaban?!"
Nakatungo lang ako habang inaalala ang nangyari kanina. Kasalukuyan akong nasa loob ng private room sa loob ng Buenavista Hospital. Nandito sina Coby, Gun, Shine at Blake. Lumabas naman si Roxy saglit dahil may bibilhin daw. Nasaan kaya si Zone ngayon?
"Don't shout at him, 'tol. Hindi niya kasalanan 'yon." pagtatanggol sakin ni Blake.
Pag galit na si Coby hindi ko na kailangan pang magsalita. Gagawin na 'yon ni Blake para sakin hehe
"Asan na ang mga gunggong na 'yon ha, Baril?!" baling niya kay Gun na nanahimik sa gilid.
"They got suspended, shorty." maikling sagot nito.
"Ano?! Suspend lang?!" hindi makapaniwalang ani Coby. Gusto niya pa ata ng mas mabigat na parusa.
"We gave them to the Comet Knights." Si Shawn naman ang nagsalita. "Sila na daw bahala sa mga 'yon."
"Siguraduhin lang talaga nilang pahihirapan nila ang mga mukhang shokoy na 'yon dahil kung hindi uutuin ko si Casper para hiwalayan niya si Oliver!"
"Anong uutuin, 'tol? Eh mas matalino pa nga 'yon sayo! HAHAHA!" Malakas na tumawa si Blake.
"Putangina mo, Blake! Hiwalayan mo nga ang gagong 'to, Shawn! Ang walangya tinatawanan ako!" utos niya kay Shine na tumawa lang.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Roxy at may dala dala na.
"Eto na ang hotdog para kay Caden!" nung sambitin niya ang salitang hatdog ay awtomatikong nagliwanag ang mukha ko.
Hatdog lang, magaling na ako!
"Waaaaaaa! Andami naman nito, Roxy!" namamanghang sambit ko nung nilapag na niya ang tray ng hatdog sa harap ko.
"Syempre, basta para sa bebe namin!" tumatawang aniya habang nilalagyan ng ketchup ang mga hatdog.
"Salamat poooo!" nakangiti kong sambit at nagsimula ng kumain.
"Kanina patungo tungo ka lang walangya ka! Ngayong may hotdog na ngingiti ngiti ka ng ganyan?! Tangina, hotdog nalang kaibigan mong bobo ka!" galit na bulyaw sakin ni Coby na tinawanan ng iba kong kasama.
"Gusto mo hatdog, Coby?" lahad ko sakanya ng isang hotdog na may kagat na.
Inirapan niya ako. "Hindi na. May hotdog na si Baril." nakita ko ang lihim na pagngisi ni Gun sa gilid.
Mabilis kong nilunok ang pagkaing nasa loob ng bibig ko upang makapagsalita na. "Masarap din hatdog ni Channieee!" nanlaki ang mga mata nilang napatingin sakin. Ang umiinom ng tubig na si Roxy ay nasamid. "Pinakain niya sakin nung isang linggo! Ang sarap sobraaaaa!"
Nanatili silang naestatwa sa kinatatayuan. Hindi sila nakapagsalita.
Pwede ko naman sigurong sabihan sila sa pagkain ko sa hatdog ni Channie 'di ba? Hindi naman ata magagalit si Channie.
Napalingon ako kay Gun nung mahina siyang natawa. "Magnus really got seduced."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya kasi hindi ko maintindihan. English, eh.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomanceMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...