CHAPTER 35: His pain

2.1K 170 183
                                    

REECE'S POV

"He's gone..."

Upon hearing those words from Onyx, the beating of my heart literally stopped. My world started to crumble.

It can't be.. no.. no..

Nabitawan ko ang pagkakahawak sa telepono. Hindi ko nagawang makakilos. Tumigil sa pagana ang buong sistema ko. Para akong naparalisa. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi.

But I know Onyx wouldn't joke about these things.

With trembling hands I took the phone again from the floor. In the lockscreen, I found a text coming from Onyx.

'At the Bridge'

It didn't took me even a milisecond  and I came walking away from Caden's house.

"Please be alive.. fuck, Caden please.." I whispered as I hurried towards the car. I grabbed the keys from the driver and drove immediately towards the location, at the bridge..

Malakas ang naging pagdagundong ng kalangitan at pag-iyak ng ulan habang nagmamaneho ako. Madulas ang kalsada ngunit hindi ito naging hadlang para mas bilisan ko pa ang pagtatakbo. Ilang beses akong nakarinig ng preno mula sa ibang sasakyan ngunit naging bingi ako sa lahat ng mga 'yon.

"Fuck..." I cursed as I try to held back my tears. "you can't be dead.. you're not fucking allowed to die.." 

That five minute drive felt like a forever hell. I pushed the speed on its maximum just to arrive at the bridge quick.

Nung makarating ay sinalubong ako ng mga nagkalat na mga itim na sasakyan sa bukana ng bridge.  Nung makita ko ang mga tatak ng espada at baril mula sa mga sasakyang 'yon ay alam kong nandito ang mga pinsan ko at ang kani-kanilang mga grupo.

Marami ding mga tauhan ang siyang hinaharang ang mga kotse ng sibilyan at pinapabalik.

Malakas man ang ulan ay rinig ko ang tunog ng napakaraming chopper na nagsisiliparan sa paligid. Pati ang ingay ng napakaraming mga tao ay bumibingi din sakin.

Mabasa man ng ulan ay nawalan na ako ng paki at lumabas sa kotse.  Mabilis akong naglakad papunta sa direksyon ng bride. Nagsiyuko ang mga Knight sakin saka ako iginiya sa daan.

Hindi mabilang ang mga tauhan na nagkalat sa buong lugar. Ang mga chopper ay walang tigil sa pagliliparan malapit sa tubig. Kita ko rin ang napakaraming mga barko sa at ang mga divers na sabay sabay na nagsisi talon. Lahat ay may kaniya kaniyang ginagawa na pinamumumuan ng may mas mataas na rango. Hindi naging hadlang ang ulan sa mabilis nilang pagkilos.

Sa kasalukuyang estadong pinagmamasdan ko, hindi ko mapigilang lamunin ng pag-aalala at takot.

Nakikita kong nakatayo sa gitna ng bridge ang mga Comet Knights, Dark Angels pati si Collux, Lucas at Onyx ay nandoon din. Mula sa pagbukas ng kanilang mga bibig ay may kaniya kaniya silang pinag-uusapan, magkadugtong ang mga kilay.  Nung maramdaman ang mga mabibilis kong yabag ay lahat sila'y napalingon sa direksyon ko. Malayo man ay kita ko ang pagkislap ng awa sa kanilang mga mata.

Ang matutulis na tingin na binigay ni Collux sakin ay hindi ko nagawang pansinin pa.

"Where is he...?" mahina ngunit nanggagalaiti ang naging pagbungad ko sakanila.

Hindi sila kaagad na nakasagot sa tanong ko at sa halip ay kaniya kaniyang nag-iwas ng tingin.

"Boss.." napalingon ako kay Lucas na halos maluha luha na. "trenta minutos.. trenta minutos bago ko nadect ang..." hindi niya magawang matapos tapos ang pangungusap niya. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang labi niya. Kung sa lamig ng ulan ba, sa takot o sa pag-aalala?  "ang p-pagtalon niya.."

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon