Ngayon pa lang nagsosorry na ako 🙃
Enjoy Reading!CADEN'S POV
Tuluyan na akong nahila ni Kuya Taga sabi ng oras sa opisina niya. Apat na kwarto ang agwat nito sa opisina ni Channie pero kung sakaling mangangagat siya ay makakaya naman ng dalawang maliliit kong paa na tumakbo papunta sa asawa ko.
Dito ko na magagamit ang talent ko sa pagtakbo! Itz yur taym to shayne, Caden!
Kumpara sa kay Channie mas maliit ang opisina niya pero maganda pa rin. Nakaayos ang lahat at maaliwalas. Ipinasyal ko ang mga mata ko at kusang naglakbay ang paa ko papunta sa isabsa mga itim na shelf sa gilid. Sa pinakagitnang bahagi may nakita akong picture frame kung saan may dalawang batang lalake na magkaakbay at nakangiti.
"Wow, mga anak mo 'to?" Kuryos kong tanong sabay lingon kay Kuya taga sabi ng oras na kasalukuyan ng nakaupo sa desk niya. Umangat ang tingin niya sakin mula sa paghahanap ng kung ano.
Nawala ang takot at hinala ko na nangangagat siya nung biglang gumuhit ang isang ngiti sa labi niya. "Mukha ba akong matanda na para magkaroon na ng anak, sir?"
Inilagay kong muli ang frame sa shelf at ngumuso. "Loko ka pala, eh. Sagot 'yong gusto ko hindi isa pang tanong."
Napapailing siyang natatawa. "That's me and my brother." Namilog ang bibig ko nung sinagot niya ang tanong ko with matching tango.
Naglakad ako papunta sa desk niya at umupo dun.
Oo, sa mesa ako umupo. Bastos ako, eh.
"Psssssttt." Tawag ko sakanya at muli siyang nag-angat ng tingin.
"Why, sir?" Taka niyang tanong.
"Gwapo ni Channie 'di ba?" Nagdugtong ang dalawa niyang kilay.
"Channie?" Naguguluhan na talaga siya.
Bakit walang nakakakilala kay Channie? Mga abnormal ang mga tao! Ako nalang ata ang natitirang normal! Hays!
"'Yong asawa ko!"
Tumango siya sa realisasyon "Ohh, you mean sir Reece?" Isinirado niya ang kaninang folder na binabasa saka bahagyang nag-isip.
Sana ol, nag-iisip. Can't relate! Syet! Perpek na english 'yon ahh?! Di niyo kaya 'yon!
"Sir Reece is a Buenavista so obviously he is handsome." Pagsagot niya sa tanong ko.
At sa mga oras na 'yon nakompirma lahat ng hinala ko.
"Sabi na, eh!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sabay nagpamewang siyang hinarap. Punong puno siya ng pagtataka. "May gusto ka sa asawa ko 'noh?!" Napamaang siya. "Sabi ko nga ba, eh! Sa pagtingin mo pa lang sakanya alam na alam ko na, eh!"
"What are you talking ab-"
"Shhhhhhh!" Nilagay ko ang hintuturo sa labi niya. "Wag ka na magmaang maangan pa! Alam na alam ko ang mga taong kagaya mo! Kaya ka naging assistant niya dahil gusto mo siya nung una palang! Hindi naman kita masisisi kasi talagang gwapo naman ang asawa ko! Pero sorry ko nalang! Ako ang pinakasalan niya kaya sumuko ka na!" Hiningal ako pagkatapos.
Nakanganga siya hanggang sa kahuli hulihang kataga ko. "You're..." Binitin niya ang sasabihin."... crazy.."
Krezy ako? Sabi ni Zone cute daw ibig sabihin nun.
Napangiti ako at inilapit ang mukha ko sakanya. "O baka.." kinagat ko ang labi ako. "... ako 'yong gusto mo.."
Napabusangot ako nung biglang malakas siyang tumawa. "Hahahahahahaha! That's silly, sir Caden."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomanceMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...