Yup it's 1 AM. The perfect time to update a chapter when y'all are already sleeping _(:3」∠)_
-YBLUCAS' POV
Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan sa mansion ni boss dito sa Italya, wala akong ibang naisip na puntahan kundi si Collux.
Kumatok ako sa mismong mansion nila. Hindi ako basta basta pinapasok ng guardiya. Kailangan ko pang ipatawag si Lux at siya na mismo ang nagpapasok sa akin. Dinala niya ako sa sala sa east wing ng mansion.
"What happened to your foot?" tanong niya sa paa kong pinaputukan ni boss ng bala. Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ngunit nagawa niyang mabasa ang isip ko. "Was it Reece?"
Tumango ako. "Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan nung pumunta ang kapatid mo sa mansion."
Hindi na siya nagulat pa sa sinabi kong 'yon.
"The two mafias are after him right now, Lucas." sambit niya. "Lazaro is desperate to find them. He wants his wife back. Do you know where he is right now?"
Dalawa lang ang pwedeng pagtaguan ni boss. Ang secretum at ang pribadong isla. Alam kong nandoon siya sa isa sa mga 'yon pero kahit tumigil na kami sa pagtatrabaho sakaniya, hindi ko pa rin siya pwedeng ipahamak.
Umiling ako. "Iniwan namin siya ni Onyx bago pa siya makaalis sa Italya. Hindi ko alam kung nasaan siya, Lux." pagsisinungaling ko pa.
Alam kong hindi siya napaniwala sa mga salita kong 'yon. Kayang kaya niyang basahin ang utak ko pero naintindihan niya rin na hindi niya ako pwedeng pilitin.
Sa halip ay tumango nalang siya at iniba ang usapan. "Kumain ka na ba?"
Ngumiti ako. "Linyahan ng mga pa fall 'yan, bebe Lu-"
"Nagtatanong ako ng maayos, Luminus." may diin niyang sambit kaya kaagad kong tinikom ang bibig ko. "I'll cook you some food." desisyon niya at nakangiti naman akong tumango.
"Mahal na mahal niya talaga ako yieeeee!" sigaw ko nung papalayo niya siya dahilan para lingunin niya ako ulit. Akala ko'y talagang susugurin niya ako pabalik pero kaagad na nag-iba ang ekspresyon niya at pumula ang mga pisngi.
"Buti a-alam mo.." tsaka siya nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Abot langit naman ang pagngiti ko habang pinapanood siyang papalayo.
Napapailing nalang ako sa isiping kahit nagkakagulo ang lahat ngayon ay nagawa ko pa talagang makipaglandian sakaniya.
"Hayyy Lucas ikaw na talaga." sambit ko sa sarili sabay sandal sa sofa.
Habang iginagala ko ang mga mata sa lugar ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na picture frame. Nakaposisyon ito sa gilid ng malaking TV.
Tumayo ako upang klaruhin kung tama ba talaga ang nakikita ko. Hindi nga ako nagkamali dahil itong parehong picture frame na'to ang siyang nakalagay din sa opisina ni Collux noon.
Ngayong madami na akong alam sa pamilyang Ndrangheta, ang kasama ng batang Lux sa litratong 'to ay si Caden. Muli kong naalala ang sinabi niya sa akin nung nagtanong sakaniya tungkol dito.
"That's my brother.. he died in a car accident."
'Yon ang sinagot niya sakin. Alam kong hindi siya nagsinungaling dun.
Kung namatay si Caden sa isang aksidente, sino ang pinakasalan ni boss?
Pero napaka pamilyar talaga ng mukhang 'to ng batang si Caden. Sigurado talaga akong nakita ko siya sa iilang mga website. Hindi ko lang talaga matandaan kung kailan at saan.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomanceMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...