CHAPTER 13: Omelet

1.7K 147 144
                                    

CADEN'S POV

"Hindi pa ba dumating si Channie, Mang Hairy?" Salubong na tanong ko sa barbero ng halaman. Hawak niya ang isang napakalaking gunting habang binibigyan ng haircut ang napakalaking halaman na halos magmukha ng pader.

"Hahaha Henry ang pangalan ko ,iho. Hindi Hairy." Pagtatama niya sakin na saglit na tinigil ang ginagawa. "Hindi pa nakarating ang boss, Caden.

"Parehas lang naman 'yon, Mang Hairy eh!" Katwiran ko. "Ingat po kayo sa pagiging barbero! Punta na po ako sa bahay ko!" Paalam ko at kumawak sakanya. Kumaway siya pabalik at masigla naman akong tumuloy papunta sa maliit kong bahay.

Inilapag ko sa tabi ng kabinet kong pink ang mga paper bag na dinala. Initsa ko ang katawan sa kama.

Haaay! Nakakapagod ngayong araw! Andami naming ginawa!

Dahil sa palagi naming paglalakad ay ramdam ko ang pananakit ng mga binti ko.

Pero sulit naman lahat ng 'yon! Madami ding pinakain si Saro sakin, eh Hehehe.

Saglit akong tumunganga sa bubong at inisip kung anong pwede kong gawin habang naghihintay sa asawa ko. Alas kwatro pa ng hapon at alas diyes pa ang dating ni Channie.

Buong araw ko siyang hindi nakita! Syett miss na miss ko na ang gwapong mukha ng asawa ko!

Habang nililibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay ay nahagip ng mata ko ang maliit kong kusina na naglalaman lang ng isang stove, caldero, iilang plato at kutsara. May pumasok na ideya sa isip ko at napabalikwas ako ng tayo.

"Paano kaya kung ipagluto ko si Channie?" Napaisip ako at isang malapad na ngumiti ang gumuhit sa labi ko. "Paniguradong matutuwa siya!"

Kaagad akong tumayo at naglakad palabas. Kahit bawal akong pumasok ng mansion kapag hindi oras ng pagkain ay ginawa ko pa din.

Hindi naman siguro ako papagalitan ni Channie dahil ipagluluto ko naman siya.

Yumuko ang dalawang guardiya sakin bago binuksan ang pinto. Malugod naman akong pumasok at kaagad na hinanap si Ate Bebang. 

"Hello po Ate Bebang!" Kaway ko sakanya. Naabutan ko siyang naglalagay ng mga labahin sa washing machine. 'Yong umiikot ganun.

"Oh, ba't ka naparito, Caden? May kailangan ka ba?" Tanong niya na saglit na hinito ang kasalukuyang ginagawa.

"May naisip kasi ako Ate Bebang." Hindi man halata pero may laman din naman 'tong utak ko. "Gusto ko po kasing ipagluto si Channie. Pwede niyo po ba akong tulungan? Pramis po hindi ko na kayo aasarin na tarsier." Sambit ko sabay angat sa palad ko, nangangako.

"Hahahah loko kang bata ka!" Tawa niya. "Pwedeng pwede, Caden. Tatapusin ko lang 'to at magsisimula na tayo."

Natuwa ako sa narinig ko mula sakanya. "Yayyy! Salamat po Ate Bebang! Matulungin talaga ang mga tarsier!"

Malakas na naman siyang humalkhak sa sinambit ko. Tinulungan ko na siyang maglagay ng damit sa washing machine para mapadali. Ang mga nilabhan niya ay mga damit ni Channie. 'Yong mga pampatay niya ganun. Andami nga, eh. Tas ket nasuot na ni Channie ang mga 'yon ay mababango pa rin. Hindi nahihirapan ang mga katulong sa paglalaba.

"Ang isa sa mga paboritong kinakain ni Sir Reece ay omelet, Caden. Sa lagay mo ay 'yon lang ang kaya mong gawin sa ngayon. Pero hindi simpleng pagprito ng itlog ang gagawin mo." Nagsimula na sa pagtuturo sakin si Ate Bebang nung pumunta na kami sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng mga engrenyents para sa lulutuin namin. Madami siyang kinuha doon at nilapag sa counter.

"Kumakain lang ng masustansyang pagkain si sir Reece. Lahat kailangan may kasamang gulay kaya lalagyan mo ng carrots, cucumber, sibuyas at kamatis. Kailangan mong hiwain lahat ng 'yan ng pinong pino. Kaya mo ba Caden?"

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon