CADEN'S POV
"I want you to marry my son, Caden."
A-Ano r-raw..?
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan 'yon. Masyado ngang mabigat.
"A-Ano p-po...?"paglilinaw ko sa sinabi niya.
"I want you to be the wife of my only son, Caden."
A-Ano u-ulit...?
Hindi ako magsisinungaling pero hindi ko talaga siya naiintindihan. Masyadong malalim at mabigat ang pag-eenglish niya! Hindi kaya ng por kong braincells!
"P-Po...?"
Magtagalog ka please! Hindi kita maintindihan utang na loob!
"Gusto kong pakasalan mo ang anak ko, Caden."
Yes! Nagtagalog na!
"Alam kong masyadong nakakagulat itong kondisyon ko, iho. Ang pagpapakasal ay sagrado at panghabambuhay. Tanging ang taong minamahal mo-"
"Sige po!" Hindi ko na siya pinatapos sa paglilitaniya niya at kaagad na akong tumango.
Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya at para siyang naging estatwa saka mabilis na kumurap.
"Did I heard that right?" Pagtatanong niya ulit.
Dulot ng katandaan ay mukhang nagkakadeperensya na ang tenga niya. Dahil mabait ako ay uulitin ko ang sinabi ko.
"Sige po!"
"You're willing to marry my son?" Tanong na niya naman.
Mabait ako! Mabait ako!
"Sige po!"
"Are you really okay with marriage?"
"Sige po!"
"You're not against it?"
"Sige po!"
Napapagod na ako kaka 'sige po!' Ayoko na pala maging mabait!
"You don't have to answer right now, Caden. I will give you more time to think-"
More time to think? Ayokong maubos ang braincells ko kakaisip! Pag nagkataon ako na ang pinakabobong tao sa-- teka! Ako na pala ang pinakabobong tao sa mundo!
Agad akong umiling. "Wag na po, sir Sean." Tanggi ko at muling ininom ang ihi. "Pagpapakasal lang po ba? Naku! Ang dali dali lang naman nyan, eh."
Inuundershimit yata ako-
(A: Underestimate 'yon abnormal ka!)
Yan ka na naman! Isusumbong na talaga kita kay Zoneee!
"Pagpapakasal? Maliit na bagay lang 'yan, Sir Sean. Akala ko pa naman pagbubuhatin niyo ako ng 16-wheeler ,eh. Kinabahan ako sainyo." Pagtatalak ko at nanatili siyang hindi nakakibo. "You kiss-" ano nga ba 'yong sinasabi ng pari sa altar? "You now kiss-" hindi 'yon! "You bride kiss-" Arghhh! Ano ba 'yon! "You the bride kiss-"
(A: *facepalm* ayoko na sa mundo..)
"Ahhh! Basta! 'Yon yong pinapakiss kayo ng pari sa harap ni Jesus at sa maraming makikikain 'di po ba?" Tanong ko sakanya na bahagya niyang ikinahalakhak.
Tatango tango siyang tatawa tawa. "Ganun na nga, iho."
Ngumiti ako ng malaki. "Sabi na, eh!"
Porda pirst taym in my layp naging tama ako!
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomanceMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...