Special mention kay HayoungChou kasi mahal ko siya! Natutuwa ako sa mga comments mo HAHAHA! Labeo bibi
-Mameh A
R
EECE's POV
Thankfully, the operation went well. Ngunit hindi naging madali para sakin ang paghihintay. Sa bawat araw na ginugugol ko sa pagbabantay sakaniya sa loob ng ICU ay tila isang walang hanggang impyerno para sakin.
I'm afraid. Natatakot akong sa paggising ni Caden ay makalimutan niya ako. Kasama 'yon sa mga maaaring mangyari sapagkat ang utak ang siyang ginalaw ng mga Doctor.
I'm also filled with numerous what ifs. If Caden wakes up and found out that Calvino is gone, will he hate us? Will he hate me?
I know much he loves his twin. Caden loves Calvino much more than he loves me. No one knows what he'll do the moment he founds out about Calvino's death. Natatakot ako sa kung anong posible niyang gawin sa sarili niya.
"Reece!" mula sa pagkakatunganga sa mesa ay napalingon ako kay Onyx nung tinawag niya ako. "Si Caden!"
Napabalikwas ako ng tayo at halos tumakbo na papunta sa ICU. Doon ko nadtnan silang lahat.
Gising na si Caden.
Ang kamang hinihigaan niya ay bahagyang nakataas, ang posisyon niya'y bahagyang nakaupo. Ang mga mata niya ay bahagya lamang na nakabukas. Kita ang pagod at panghihina dito.
Todo asikaso naman ang ginawa ng mga Doctor. They recorded every little thing on the monitor that is connected to Caden's head. Sinisigurong ayos at normal ang lahat.
"Caden, nakikilala mo ba ako?" tanong ni Primo na nasa tabi niya. He's holding his brother's hand with eyes full of unshed tears.
Ang mga mata ni Caden ay tumitig sakaniya. Sa bawat segundong lumilipas na hindi pa siya nakakasagot ay siya ring pagkarera ng puso ko sa kaba.
Please...
"C-Caden... do you know who I am?" tanong muli ni Primo. Gaya niya ay kinakabahan kaming lahat.
Ngunit ang takot na pumuno samin ay nawala nung sa wakas ay ibuka niya ang bibig.
"P...Primo.."
"Thank God." Nakahinga ako ng maluwag at napasandal sa pader. Ganun din ang iba naming mga kasama.
Tuluyan ng tumulo ang luha ni Primo sa mata. Doon siya umiyak sa kamay nilang dalawa ni Caden. Yumugyog ang kaniyang balikat sa paghikbi at ang tanging nagawa ni Lucas ay haplusin ang likod niya.
"Sed Sed.." bumaling si Caden sa isa pa niyang kapatid. Halos pabulong ang boses niya ngunit sapat na upang marinig namin.
At sa mata niyang bahagyang nakabukas ay tumakas ang isang butil ng luha. "P-Patawad.."
Sa isang salita na 'yon ay humagulgol si Cedro. Ang kaninang pinipigilan niyang pag-iyak ay tuluyan ng kumawala.
That one word directly hit and shattered his heart for he know what Caden is apologizing for.
He is saying sorry for the death of another member of their family. For Calvino's death. Caden knew he's gone.. He knew..Ang nanghihina niyang mga mata ay dahan dahang lumapat naman sakin. Nagkatitigan kaming dalawa.
He didn't speak. But that little smile that formed on his lips was enough to give me the assurance that I wanted. It flooded my heart with both happiness and pain. That smile made me understand that he will hang in there.. for me, Caden will keep on fighting..
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b)
RomanceMeet Caden Del Mundo. Isa siyang tangang lalake na walang laman ang isip kundi hatdog. Simpleng bobong estudyante lang siya na namumuraot at nagpapalibre sa mga kaibigan niya. Ang mahirap ngunit simple niyang buhay ay mababago nung makasal siya sa i...