CHAPTER 6: Thank You

1.8K 150 135
                                    


Waaa kanina pa dapat 'to kaso nakatulog ako kakatype at ngayon lang nagising! Pasensya na sa mga naghintay ng matagal! Enjoy this chap!

REECE'S POV

"Hold my hand." inabot ko ang kamay ko sakanya habang saglit kaming tumigil mula sa pagtatakbo upang huminga.
We were running away from the men who captured us. We were able to escape them but not this huge forest in the middle of the night. As kids, we don't know what to do and where to go.

Punong puno ng dumi ang pisngi ng batang lalake. Namangha ako kasi kahit ilang palo na ang natanggap namin kanina ay hindi siya umiyak. Sa halip ay matamis ang ngiti niyang inabot ang kamay niya at ikinapit sakin. "Tara na!"

Kani- kanina lang ay kasama ko pa si Dad habang pinapakilala nya ako sa mga kaibigan niya sa dinaloan naming birthday party. Ngayon nandito na ako, tumatakbo kasama ang batang ni pangalan ay hindi ko alam.

Dinig ko na ang yapak ng mga lalakeng humahabol samin kaya mas binilisan ko ang aking pagtakbo. Hindi nagawang sumabay sa bilis ko ang batang lalake kaya ginamit ko ang buong lakas ko upang mahila siya. Hindi din nakatulong ang maliliit niyang mga paa.

"Aray!" dahil sa pagkakadapa ay nabitawan niya ang kamay ko.

Sinubukan niyang tumayo ngunit hindi niya magawang higitin ang paa niya mula sa pagkakapulupot sa isang malaking ugat ng puno.

"Tumayo ka! Bilis!" utos ko sakanya at tinulungan siyang maialis ang paa niya. Ngunit dahil masyadong malala ang pagkakaipit niya at kulang na kulang ang lakas ko ay hindi ako nagtagumapay.

Binomba ako ng kaba nung marinig ko na ang mga boses ng lalake palapit sa direksyon namin. Mas lalo kong nilakasan ang paghila ko pero wala pa din. "Try pulling your feet c'mon!" Nanginig ang mga kamay ko. "We have to get out of here!" Dahil sa kakahila ko ay tuluyang namula ang maliit niyang paa.

"Iwan mo na ako dito." napatingala ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko upang patigilin.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina sa party?"

Napahawak siya sa baba niya at nag-isip. "'Yon bang ako ang gusto mong pakasalan?"
Tumango ako. "Eh 'di magpakasal na tayo ngayon din!" Hinubad niya ang diyamanteng maliit na singsing. "Akin na kamay mo!" Binigay ko ang kamay ko at isinuot niya sakin 'yon. "Yan! Kasal na tayo, pwede mo na akong iwan dito."

I stared at his face, it was so bright and a sweet smile can be seen lightning up my vision. I was amazed because in the midst of life and death you cannot see even a pinch of fear and sadness in his eyes.

"No! I'm taking you out of here!" Pumulot ako ng bato at malakas na pinukpok ang ugat nagbabakasakaling makatutulong 'yon. Alam kong hindi mawawasak ng simpleng pagpukpok an malaking sanga ngunit nataranta na ako at hindi na ako nakakapag-isip.

"Hindi na maaalis 'yan! Tsaka isa pa, hindi na kaya ng paa ko. Maaabutan nila tayo kapag isinama mo pa ako kaya sige na! Tumakbo ka na!" malakas niyang utos sakin.

Umiling ako.

"Wag matigas ulo! 'Diba asawa mo na ako? kaya dapat sundin mo ang utos ko! Dali na! Alis na!" Malakas niya akong itinulak.

"Nakita ko na sila!"

"Nandito ang mga puslit!"

"Bilis! hulihin niyo na bago pa makatakas!"

Napaatras ako nung makita ko na ang mabilis na pagtakbo papalapit ng mga kidnappers. "Umalis ka na! Bilisan mo!"
Muli kong tiningnan ang bata at nagmamakaawa ang mga mata niya.

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon