CHAPTER 14: Bellisimo

1.8K 141 151
                                    

A: Sorry at naghintay kayo ng matagal Yobea's. Nagka author's block lang-
YB: Wag kayong maniwala diyan. Ang totoo ay inaway niya talaga ak-
A: *pinasukan ng isang buong hotdog ang bibig* Hehehe enjoy reading Yobea's!

LUCAS' POV

"Sigurado ka bang wala kang planong ipahanap 'yong asawa mo, boss? Tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa'yo." Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga mahabang sofa habang kaharap si boss na abala sa pagbabasa ng mga proposal. Ni hindi man lang siya nag-abalang mag-angat ng tingin sakin.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang nangyari sa Dining Area ng mansion niya tatlong araw na ang nakalipas. Pinagalitan niya si Caden dahil lang sa rason na gumala sa mall ang asawa niya kasama ang ibang lalake. Nakakapagtaka lang dahil bakit siya magagalit? Siya na mismo ang nagsabi samin na tatapusin niya ang kontrata pagkatapos ng tatlong buwan. Alam namin na ayaw na ayaw niya kay Caden ngunit ano 'tong inaakto niya ngayon?

Para siyang nagseselos na teenager.

"I'm too busy for that, Lucas. I have a lot of things to get done." 'Yon ang malamig niyang isinaad.

"So mas importante pa ang mga 'yan kesa sa asawa mo, boss?" Ayokong mangialam sa kung anong relasyon ang meron sila pero hindi ko maiwasan. Lalong lalo na't si Caden ang nagiging kawawa.

Natigilan siya sa kasalukuyang pagsusulat at nag-angat ng tingin sakin. "Yes, Lucas." Bahagya akong nagitla. "and if you're here to talk such nonsense things might as well get out."

Nag-iwas nalang ako ng tingin at nagbuntonghininga. Bumukas ang pinto at pumasok si Onyx. "According to one of our underground spies the Inagawakai Yakuza is making a serum identical to the Stimulantè, Reece." Diretsahan siyang nagreport.

Ang stimulante ay ang serum na hiniling kong ipagawa kay Reece para makuha ko si Collux. Wala kaming plano na i-release 'yon sa black market dahil magiging dahilan 'yon upang tumaas ang rate ng mga rape incident. Pinapainit nito ang katawan ng nakakainom. May kakaiba 'yong sangkap na nagiging dahilan ng pagmamalfunction ng utak at pagkakaroon ng hallucinations. Kapag nainom mo ito ay makikita mo ang taong gusto o kaya'y minamahal mo kaya kahit labag sa loob mong makipagtalik ay gagawin mo ito ng kusa sa pag-aakalang ang taong kaharap mo ay ang taong iyong minamahal.

May nagpakalat ng impormasyong ito kaya kaliwa't kanan ang mga mafia na nagrerequest na makabili nito mula kay Reece. Syempre tinanggihan namin lahat ngunit ang isang big time na yakuza sa Japan ay hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon. Desperado ang mga ito at ginagawa ang lahat mapasakamay lang ang Stimulanté.

Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ni request ko ang serum na 'yon pero 'di bale na, napasakin naman si Lux hahaha!

"And did they suceed?" Tanong ni boss.

"As expected they faile." Sagot naman ni Onyx.

Walang nakakagaya sa mga serum at antidote na naiimbento ni Magnus. Masyadong kakaiba ang mga 'to at napakakomplikado. Isang henyo na tulad niya lang ang makakagagawa. Isang patunay nito ay ang antidote na pinainom niya sa Dark Angels at sa mga naging damay ng pangyayari sa istorya nina Gun at Coby. Isang napakalaking tulong ng antidote na 'yon sa buhay ng dalawa.

"Good." Kumento ulit ni Reece habang sa monitor ang tingin.

Paano niya napagsasabay ang lahat ng trabaho? Gago, feel ko tuloy ambobo ko na.

"Also the money that we got from last night's drug transaction was successfully donated to twenty public hospitals and thirty orphanage, Reece."

Oo, diyan lahat napupunta ang perang kinikita niya.

FORBIDDEN #3: Searching for Love (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon