Chloe's POV
Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon, parang ang daming nangyayaring hindi ko maintindihan. Guni-guni ko lang ba ito o sadyang may mga paparating na panganib?
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ba ako biglang kinabahan?
Nandito ako sa puntod ng aking namayapang ina, gusto ko kasi nang katahimikan. Kailangan ko nang tinatawag nilang 'peace of mind', pero paano ko ba maatim 'yon? Kasi kahit nasa tahimik akong lugar, ang mga pangyayari noong mga nakaraang linggo pa din ang gumugulo sa utak ko.
"Mommy... Na-mimiss na kita..." Sabi ko habang tinititigan ko ang lapida niya. Nilapag ko na din ang dalawa kong bulaklak at nagsisimula na akong magtirik ng kandila. "Sana... Sana nandito ka na lang ngayon... Ang hirap nang mag-isa." Bumuntong-hininga ako at umupo sa harapan ng lapida ni Mommy.
"Bakit parang ang daming nangyayaring hindi maganda? Bakit kailangang muntik na akong mamatay? Oras ko na ba?" Sunud-sunod kong tanong kay Mommy. Malay mo sumagot, di ba? Pero syempre 'wag naman! Baka tumakbo ako nang malayo nang dahil sa gulat.
Ilang minuto pa ang itinagal ko bago ako tuluyang umalis sa puntod ni Mommy, naisipan kong maglakad-lakad muna at magpahangin. Gusto kong mapag-isa at makapagisip-isip. Nakakatakot kasi 'yung panaginip ko kagabi kaya dumeretso muna ako dito bago pumasok sa eskwelahan.
Isang oras na lang at malapit ng magsimula ang klase ko, dumaan muna ako sa isang fastfood para kumain dahil tanghali na. Ang daming tao, pick hour kasi! Hay.
Buti na lang at nakahanap ako nang mauupuan ko kaagad, kaso...
"Miss, pwede po bang maki-share?" Hindi naman sa madamot ako... gusto ko lang talaga mapag-isa. Kaso walang choice eh. Tumango na lamang ako at pinilit kong ngumiti, nasa kadulo-duluhan na nga ang pwesto ko. Hay buhay.
"Thank you, Miss. Ahmm... Ako pala si RJ." Kahit wala ako sa mood makipag-usap, wala na naman akong choice. Hindi ko gustong magsungit dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin eh. "Chloe." Tipid kong sagot sabay ngiti nang pilit.
Inatupag ko ang pagkain ko, nanahimik din siya dahil nahalata niya sigurong wala akong pakialam sa kanya at wala din ako sa mood makipag-kwentuhan.
Biglang tumunog ang cellphone ko at unregistered number ang tumatawag. Nagdadalawang isip akong sagutin, noong nakaraan muntik na akong masagasaan baka may mangyari na namang masama. Kinakabahan ako. Tinitigan ko lang ang cell phone ko. Ni hawakan nga eh, ayaw ko din.
"Chloe... di mo ba sasagutin phone mo?" Sabi nung RJ, napalingon lang ako sa kanya nang nakakunot ang noo. Ano bang pakialam niya?
Ang nakakainis lang ay hindi pa din tumitigil sa pagtunog ang phone ko. Letse naman! Sino ba kasi 'yon?
"Mukhang madami kang admirer ah..." Biglang sabi ni RJ. Tiningnan ko naman siya at umiling. "Wala." Sagot ko. Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. Ano namang nakakagulat?
"Siguro loyal ka sa boyfriend mo 'no? O di kaya stalker mo 'yan?" Ang dami namang tanong nito, hindi ko nga alam kung sino ang natawag sa akin eh.
Tumigil na din sa pagtunog ang phone ko. Buti naman!
Makalipas ang ilang Segundo ay tumunog na naman! Ay lintek! Sinagot ko na.
"Sino ba 'to?" Katahimikan lang ang maririnig mo sa kabilang linya. Walang ugong o kahit na anong maingay na tunog.
"Sino ba 'to? Bakit ka ba tawag ng tawag, kung wala ka namang sasabihin?" Naiinis na ako. Napalingon naman ako kay RJ na tila nagulat na naman sa inasta ko. Sino bang hindi maiinis kung may bwisit na malakas mang-trip?
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?