KABANATA XII

127 14 0
                                    

Chloe's POV

Tatlong araw ang makalipas, simula noong muntik na akong gahasain ni Jaccob. Walang humpay siya sa kaka-text at tawag sa akin. Hindi ko naman siya tinutugon. Ayaw ko. Na-trauma ako sa ginawa niya. Sa tingin niya ba, na ang simpleng 'sorry' ay makakapagpawala nang trauma ko. Hindi. Bahala na siya sa buhay niya. Buti na lang at nandyan si Xander to the rescue!

"Chloe, kanina ka nakatitig diyan sa laptop mo." Bulong ni Xander sa akin. Nasa loob kami nang kwarto ko at napapadalas na nga ata ang pagpunta niya dito. Baka daw kasi bumalik ang gunggong niyang pinsan.

"Nag-iisip. Wala pa din kasing email galing sa kompanya eh. Buti ka pa, tapos ka nang mag-aral." Ngumiti lang siya at niyakap ako mula sa likuran ko. Ang sweet ng loko, libre tsansing palagi!

"Tulungan kita, pero may kapalit."

"At ano naman 'yon?"

"Kiss sa lips! Iyong matagal." Ngumiti siya nang pagkalapad-lapad, kulang na lang masira na 'yung mukha niya. Manyak talaga nito. Hahaha.

"Mukamo! Makakain na nga!" Sigaw ko. Kunwari nagtatampo, gusto ko lang maginarte. Ang sarap sa feeling ng bine-baby ka eh, kaya magpapasuyo muna ako.

"Uy, joke lang! Eto naman oh..." Alam ko na 'yang mga ganyang linya na 'yan. Matapos bumanat ng: 'Pa-kiss lang!' at 'Pa-hug naman!' iyan ang sasabihin niya.

Ang ganda nang timing ko, wala si Sire palagi kaya walang iringan sa pagitan nilang dalawa. Hindi nga ako masyado kinukulit ni Sire eh, puro text at tawag lang. Parati siyang lumalabas ng bahay. Minsan malalaman ko umuwi pala sa kanila. Malapit lang naman bahay nila. Mga dalawang oras lang ang biyahe.

"Huwag ka na magtampo, baby. Please." Pagsusumamo niya sa akin. Nagiinarte nga ako di ba? Kaya hindi dapat ako ngumiti. Kaso di ko mapigilan 'yung itsura niya kasi nagpapa-cute. Akala mo naman cute. Hindi siya cute, kasi ang gwapo niya!

Ganyan 'yan palagi, simula nang magkasama kami. Hindi ko lang alam kung may nararamdaman na ba ako sa kanya.

-

Ang hirap maghanap ng kompanya kung saan ako mag-OJT. Enrolled na naman ako, ang problema ko ay dapat noong first sem ay naghanap na ako nang kompanya para hindi hassle. Kailangan kasi namin bunuin ang tatlong daang oras para makapasa. Sayang, at wala na si Liana. Siya dapat ang kasama ko ngayon.

Kinukulit nga ako ni Xarley na doon na lang daw sa restaurang ng kaibigan niya mag-OJT, umayaw naman ako dahil alam kong parte 'yon ng panliligaw niya. Para, araw-araw daw niya akong nakikita. Sinasabi ko sa inyo, ang hirap 'pag masyadong mahaba ang buhok.

Kanina pa ako nakatutok sa laptop ko, wala pa ding email akong natatanggap mula sa mga ina-apply-an ko. Tiningnan ko din ang cellphone ko, at laking tuwa nang malaman na marami ang nagtext.

Sa kasamaang palad, puro kanila Sire, Xarley, Xander, Jaccod at Cedric ang text. Walang text galing sa mga kompanya. Nakakainis. Sa one hundred fifty messages na natanggap ko ay wala miski ni isang text galing sa kompanya. Saklap.

Kapag wala na akong choice, doon na talaga ako mago-OJT sa restaurant ng kaibigan ni Xarley. Utang na loob na naman ito. Hirap pa naman magbayad ng utang na loob. Bahala na nga si Batman.

Nang maabutan ko si Sire sa bahay ay kaagad ko siyang tinawag. Lumingon naman siya ngunit ngumiti lang at umalis pa rin. Wala na akong choice kung hindi ang tumakbo. "Sire!" Sigaw ko ulit, at ang siraulo tumakbo din papunta sa parking lot.

"Hoy Sire! Bakit mo ba ako iniiwasan?" Napahinto siya sa harapan ng kotse niya at halatang hirap na hirap sa pagbubukas ng kotse niya. Ewan ko ba diyan, nanginginig pa nga ata siya eh.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon