KABANATA XV (Public)

143 12 1
                                    

Anna's POV

Napamura ako sa isip ko nang biglang hatakin ni Margaux ang baso sa kamay ko at inubos ang gatas. Nalintikan na! Kanina ko pa siya pinagmamasdan kung anong mangyayari sa kanya at nangyari nga ang dapat mangyari.

Nalason siya, imbes na si Chloe. Ang swerte mo, Chloe. P*tang***, ang malas ko. Patay kami ni Dave nito. Kung bakit kasi inagaw ni Margaux eh, nalason na sana si Chloe. Tapos na sana ang problema namin.

Ginising namin sina Sire, Dave, Cynthia at Daniel. Hirap pa kaming makakuha nang ambulansya dahil hatinggabi na. Kami na ang nagsugod sa kanya at buti naman ay naging mabilis ang lahat.

"Dave, paano tayo nito?" Tanong ko sa kanya, nasa fastfood chain kami ngayon. Bumili ng pagkain para sa lahat, buti na lang at mayroon agad kaming nakita. Nag-presinta din kasi si Dave na kami na lang ang bumili, dahil sasakyan niya ginamit namin para ihatid si Margaux dito. Kung wala lang kaming pinagsamahan di ko siya tutulungang mabuhay.

"Kasalanan mo ito." Alam ko naman, kaya nga ako humihingi ng tulong sa kanya. Palibhasa mainit na naman ang ulo dahil nalaman niyang may nga-intake ako nang pills. Kinalikot niya kasi ang bag ko kaninang hapon at nakita niya.

"Please. Help me."

"Kung bakit mo kasi iyon ginawa eh!"

"Alam mo namang gusto ko nang maka-graduate di ba?" Sigaw ko. Hindi pwedeng bumagsak ako dahil mahihirapan ang mga magulang ko. Hindi kasi kami kasing yaman nitong si Dave. May mga paupahan at business ang magulang niya. Kahit siya may stocks siyang binabantayan palagi.

Hinila niya ako at mabilis kaming pumunta sa loob ng kotse dahilan upang masaktan ako. Tahimik lang kaming dalawa, hindi pa din niya pinapaandar ang kotse. Nakakatakot siya pag tahimik, pakiramdam ko magagawa din niyang pumatay. Kaya nga kahit gustong-gusto ko si Sire at nilalandi ko ito, hindi ko pa din magawang iwan itong si Dave. Ang laki nang utang na loob ko sa kanya at higit sa lahat alam kong kaya niya akong saktan. Hindi niya lang iyon ginagawa dahil mahal niya ako. Pero sa oras na ito, iba ang nararamdaman ko. "Dave, tara na."

Agad naman siyang gumalaw at nagda-drayb na siya ngayon para maghanap ng bukas na fastfood chain at buti na lang meron agad kaming nakita. Huminto ito at agad naman kaming bumili, hindi niya ako iniimik kahit na kinakalabit ko siya. Tinigilan ko na rin baka sumabog na siya sa sobrang galit pag kinulit ko pa.

*

Cynthia's POV

Nagulat ako sa mga nangyayari, hindi ko akalaing magagawa niya 'yun. May balak ba siyang lasunin si Chloe? Na-ikwento na sa akin ni Chloe ang lahat ng nangyari, at ang hinala ko ay sinadya ito.

Napakahirap namang unawain na baka panis na o sira ang gatas kasi monthly kami bumibili at sa pagkaka-alam ko ay bagong bili iyon. Tinanong na din namin ang doktor kanina at sinabing na-lason daw ito, kaya malakas ang kutob namin na si Anna ang may kasalanan ng lahat.

Ano naman kaya ang idadahilan nun pag dumating? At anong motibo niya para gawin iyon kay Chloe o Margaux?

Akala ko maayos na lahat dahil masaya na kami ni Daniel, ayos na din ang relasyon naming dalawa. May balak na nga kaming magpakasal ni Daniel eh, at pupunta kaming ibang bansa para ma-meet ang future family ko. Ang saya ko na, kaso napapansin kong parang paunti kami nang paunti. Anong nangyari sa pamilyang binuo namin?

"Chloe, bakit ganito ang nangyayari?" Kanina pa kaming nandito sa tapat ng kwarto ni Margaux. Maayos na naman ang pakiramdam niya kaya nailipat na siya, mabuti daw at naagapan agad. Inutusan ko din na bumili nang pagkain si Daniel, dahil madaling araw na.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon