Margaux's POV
"Sinong pumatay sa kanila Margaux? Kilala mo?" Tsk! Mapapahamak siya nang dahil sa narinig niya.
"W-Wala. May pupuntahan pa ako. Mauna na ako." Buti na lang nagawa kong diretsuhin ang pananalita ko kahit papaano, kung hindi mabubuko niya na talaga ako. Patawad. Para din naman ito sa kaligtasan mo. Ayaw kong may mapahamak na naman dahil sa akin.
Umalis na ako at nagmamadaling pumunta sa hideout namin. Sasabihin ko na dapat kay Chloe ang lahat, pero pinigilan ako nang kasintahan ko. Si Liana ang nag-volunteer na siya na ang magsasabi o magbibigay ng kahit na anong clue para balaan si Chloe ngunit hindi siya nagtagumpay.
Anong dapat kong gawin?
*
Chloe's POV
"Margaux." Sambit ko.
Lumingon ito sa akin, kasalukuyang inililibing ang mga labi nila Gab at Liana. Sabay nang ginawa ito dahil sa magkasintahan naman sila at sumang-ayon din ang kanilang mga magulang.
Dalawang linggo na ang nakalilipas. Ang daming mga nangyari, na hindi ko inaasahan. Pagkatapos ng nangyari ay naging tahimik naman ang lahat at 'yon ang mas lalong nagpatindi nang kaba ko. Kadalasan kasi kapag naging tahimik na pakiramdam ko may kasunod pa, 'yong tipong bigla ka na lang bibiglain. Magugulat ka na lang baka mangyari ulit ito sa iba.
Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin kung bakit nangyari ang lahat. Paano nagawang makapasok ng kriminal na 'yon sa unibersidad namin? Mahigpit ang seguridad dito kaya papaanong may nangyaring ganitong krimen?
Nakakapagtaka talaga.
"Margaux." Pag-uulit ko. Nakatayo lang kasi siya sa isang tabi, nakatitig sa kawalan. Hindi ko nga siya maintindihan, parang nawalan na din siya nang buhay matapos ang nangyari. Halos dalawang linggo na siyang tulala at bigla-bigla na lang siyang iiyak, nag-aalala na talaga ako sa nangyayari sa kanya.
Malapit silang naging magkaibigan ni Liana kaya alam kong masakit para sa kanya ang mga nangyari.
Tinapik ko siya sa balika ngunit hindi pa din niya ako nililingon. Hay. "Walang mangyayari kung titig ka lang diyan. Hindi matutuwa si Liana at Gab sa ginagawa mo. Alam m---." Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niya akong nilingon at tiningnan ng nakakatakot. Nakakatakot talaga. Para siyang sasapian ng kung anong demonyo sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hilain ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit ng paghila niya sa akin.
"HINDI TALAGA SILA MATUTUWA SA AKIN! HINDI! HINDI! GALIT SILA SA AKIN! KINAMUMUHIAN NILA AKO!" Naghihisterikal na siya at sinasaktan na niya ako. Nagulat ako dahil pinagtutulak niya ako, hindi na ako nanlaban. Tinulak niya ako nang malakas at natumba ako sa sahig. Ang sakit nang pwet ko.
"GALIT SILA SA AKIN CHLOE! KASALANAN KO! PINABAYAAN KO KASI SILA!" Nilingon ko ang ibang mga bisita at nakatingin lamang ang iba sa amin. Tumakbo agad si Sire sa pwesto ko at tinulungan akong tumayo habang sina Dave at Dan naman ay hinawakan ang magkabilang balikat ni Margaux. Nagpupumiglas siya ngunit mabuti na lang at parehas na malakas ang dalawa naming kaibigan.
"Ano bang nangyayari sa'yo Margaux? Wala kang kasalanan." Mahinahon kong sambit, habang lumalapit ako papunta sa kanya. Nanlilisik pa din ang mga mata niya at 'yung itsura niya ay 'yong tipong kakainin ako nang buhay. Nakakatakot siya. Hindi ko naisip na ganito pala kalaki ang epekto nang pagkamatay nila Liana at Gab sa kanya. "Kumalma ka, Margaux. Kaibigan mo kami." Dagdag ko pa habang naglalakad papalapit sa kanya. Medyo kumalma na ang aura nang mukha niya.
"Sana mapatawad nila ako... Kasalanan ko ito eh..." Wika ni Margaux at tuluyan na siyang humagulgol. Lumapit sina Cynthia at Anna sa kanya. Agad siyang niyakap nito at ina-alo.
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?