KABANATA XX (Public)

136 7 0
                                    

Chloe's POV

"Sire, ilang buwan na ang nakalilipas. Baka pwede niyo nang sabihin?" Pangungulit ko kay Sire, dahil nakalipas na naman ang dalawang buwan at ayaw pa din nilang aminin kung ano pa ngang nangyari dati.

Napabuntong-hininga siya. Tinapik niya ang upuan na malapit sa kanya at pinaupo ako dito. Sinunod ko naman siya. Sana sabihin na niya dahil atat na atat na ako.

Lahat kasi sila ay ayaw magsalita, hindi na ganoon kakulit si Sire sa akin. Ako naman ang naging makulit dahil sa kanya. Ayaw niya kasing saguting ang mga tanong ko. Nakakainis na nga kung minsan.

"Patay na si Margaux at ang boyfriend niyang si... Jarred." Natutula ako sa sinabi niya at hindi agad ako nakaimik. Si Margaux... boyfriend niya si Jarred? Sinong Jarred 'yong manyak na bigla na lang akong hinalikan sa bar. O iba pa? At paano sila namatay?

"Wait? What? Paki klaro sa akin ang lahat." Sabi ko sa kanya at may ipinakita siya sa akin na video galing sa cellphone niya. Balita ito tungkol sa isang plane crash at nakita ko ang mukha ni Margaux, isa sa mga bangkay na nakuha kasama nito si Jarred. Siya nga. Jusko.

"Siya ang boyfriend ni Margaux? Asan ang libingan niya?" Tanong ko. Paanong hindi nila ito nasabi sa akin. Ilang buwan na ang nakalilipas. Pitong buwan na at ngayon lang nila sinabi!

-

"Dito ang puntod niya Chloe, matagal na pala sila magkakilala ni Jarred." Sabi nito sa akin, hindi ko napigilan ang mga luha ko. Matalik ko na kaibiga si Margaux at hindi ko akalaing mangyayari ito sa kanya.

Ang dami naming pinagsamahan, halos na-kwento ko na ang lahat sa kanya kahit na mas close silang dalawa ni Liana. Umiyak lang ako nang umiyak habang paulit-ulit kong sinasabing madaya siya. Dahil pati siya ay iniwan na niya ako.

"Ang daya mo talaga... Iniwan mo na rin ako." At umiyak ulit ako hanggang sa mawalan na ako nang luhang iiyak pa. Tumayo ako at niyakap si Sire at parang batang nagsusumbong sa kanya.

"Ang unfair, bakit niya ako iniwan... tapos..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil sa mga pagsinghot ko at sipon ko. "Hindi niya sinabing may boyfriend siya, tapos nilalandi pa ako nang boyfriend niya bwisit." Taksil ang boyfriend niya at hindi alam ni Margaux iyon. Tinitigan akong maigi ni Sire at pinunansa ang mga luhang tumutulo na naman. Akala ko wala na akong mailuluha meron pa pala.

"Tahan na... hindi ko din alam. Pero kung bahay ang gagong 'yon, bubugbugin ko siya hanggang sa matuluyan siya. Kaya 'wag ka nang umiyak."

Umalis na kami at umuwi na ulit sa bahay namin. Diretso akong nagtungo sa kwarto niya at doon ako tumambay at inaayos ko ang mga gamit niya.

Patuloy pa din ako sa pagiyak kahit alam kong wala naman itong magagawa. Dahil alam kong hindi na siya babalik.

Sinamahan ako ni Sire dito at mayroon pa daw siyang sasabihin sa akin. "Chloe, napagalaman ko din, namin pala na... isang investigator si Jarred ng mga magulang ni Margaux. Bale, matagal na silang magkakilalang dalawa.

Mga bata pa lang si Margaux ay kakilala na nila ito." Nagulat ako sa sinabi niya. Alam kaya ni Margaux? Plano niya ba talaga ipalandi ako sa boyfriend niya? Kung ganoon, bakit naman kaya?

"Hindi ko din alam mga tanong mo Chloe. Basta 'yon ang alam ko. Parang ginagago tayo ni Margaux, pero wala na siya kaya di na natin masasagot ang tanong mo." Sagot naman niya sa akin at iniwan ako sa loob ng kwarto ni Margaux. Paikot-ikot ako dito kakahanap ng sagot at mayroon nga akong nakita.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon