KABANATA V

327 33 16
                                    

Chloe's POV

Kanina pa kaming hindi mapakali dito sa loob ng bahay, alas-diyes na nang gabi at hindi pa nakakauwi si Sire. Madalas ay siya nauunang umuuwi dito sa bahay, at kung siya man ang nahuli ay hindi naman aabot ng ganito katagal. Kanina pa namin siya tinatawagan, ngunit nakapatay ang cellphone niya.

"Margaux? Lalabas lang ako." Wika ko. Lahat sila ay napalingon sa akin, tumayo na ako at aakmang aalis na nang biglang - - "Saan ka pupunta? Delikado na ah?" Tanong ni Gab, kasintahan ni Liana. Nilingon ko siya. "Hahanapin si Sire." Naglakad ako nang mabilis para makarating na ako kaagad sa gate namin.

Bubuksan ko pa lang ang gate nang biglang may humatak sa braso. "Nawawala si Sire, ano bang gusto niyong gawin natin dito? Tumunganga lang?" Bulyaw ko. Naiinis kasi ako dahil pakiramdam ko wala silang pakialam. Kahit na naiinis ako kay Sire sa pangungulit niya sa akin ay kaibigan ko pa din siya. "Chloe, please." Pagmamaka-awa ni Anna, nakita ko din malapit ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Dumating din sila Margaux, Gab, LJ, Dave at Daniel. Bakit parang wala...

"Asan si Cynthia?" Tanong ko. Agad namang kumunot ang noo nila, ang alam ko kasi nandiyan lang siya kanina. "Lumabas." Sabi sa akin ni Dave. "Nang mag-isa?" At lahat kami ay napatingin kay Daniel.

Hinayaan niyang mag-isang lumabas si Cynthia? Nag-away na naman ata sila?

Biglang tumong ang cellphone ko at kinabahan ako nang makitang hindi naka-rehistro ang pangalan ng tumatawag. Tsk. Sino naman kaya ito? Baka ito na 'yong mga dumukot kay Sire.

"Hello?" Bungad ko. Sumenyas akong tumahimik sila ngunit hindi sila tumahimik, hindi ko din alam kung anong pinag-uusapan nila. Marahil ay naiinis sila kay Dave, dahil hinayaan nitong umalis si Cynthia nang walang paalam. "Hello?" Tanong ko ulit doon sa tumatawag. Wala namang umuugong o kung ano man akong naririnig. Tahimik lang talaga. Naglakad ako papunta sa labas ng gate, hindi na naman ako pinigilan nila Anna at Dave dahil sigurado na silang hindi ako aalis. "Hello? Sino ka ba?" Naiinis na ako. Wrong timing naman ito mamwisit! At ako pa talaga ang ginugulo ngayon.

Hindi na talaga ako makapagtimpi pa. "T*ng*na mo! Kung wala kang magawa sa buhay mo 'wag mo akong pag-trip-an!" Bwisit! Kung kailan kinakabahan ako sa maaaring mangyari kay Sire, ngayon pa ito gagawa nang hindi magandang biro. Wala ako sa mood.

"Chloe... 'wag kang titingin sa kanan." Biglang nagsi-taasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ako nakinig sa sinabi niya at tumingin ako sa may kanan ko, at nakita kong may sasakyan na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin. Tila napako ang mga paa ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Tinutulungan ba ako nung tumawag sa akin o siya din ang may pakana nito. Hindi ko na pinansin kung kaninong boses ba ito.

Naramdaman ko ding may sasakyan sa kaliwa ko kaya nilingon ko ito. Bumaba kaagad ang lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Kinilabutan ako dahil may hawak siyang baril at agad na itinutok sa akin. Ni hindi ko magawang makasigaw dahil tila natuyo na ang laway ko sa lalaluman ko. Paano ba ako makakaalis, kung sa kaliwa't kanan ko ay may nakaabang na panganib?

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tumatakbo ang lalaking may hawak na baril. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman kong may humila sa akin ng marahas. "Ahhh!" Napadaing 'yung lalaking humila sa akin papalayo sa truck, nasa ibabaw niya ako ngayon. Nakita ko dahil iminulat ko kaagad ang mata ko nang maramdaman kong sumubsob ako sa isang tao.

Nagulat ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Kinabahan talaga ako kanina dahil akal ko katapusan ko na. Akala ko pa nga papatayin na niya ako dahil itinutok pa niya ang baril sa akin.

Bakit niya ako iniligtas?

Narining ko ang pagbusina nang truck at nilagpasan na kami nito. Paano nakapasok ang mga sira ulo at addict dito sa lugar namin? Mahigpit kasi ang security dito sa may amin.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon