KABANATA XIII

138 13 0
                                    

Sire's POV

Matapos namin ni Chloe magusap ay agad na akong umakyat patungo sa kwarto ko. Hindi ko naman gustong pagtaasan siya nang boses pero hindi ko na napigilan dahil sa init ng ulo ko. Ayaw kasi akong tantanan ni Anna, kahit saan ako magpunta sunod siya nang sunod. Pumupunta pa tuloy ako sa malayong lugar para lang hindi na niya ako makita. Sana naman kasi may nabuo nang baby para matigil na siya sa kahibangan niya.

Nasaktan ko tuloy si Chloe. Pagod na nga ako sa trabaho ko, tapos dadagdag pa si Anna. Lagi niya kasi ako inaabangan paguwi, buti na lang at sinusundo siya ni Dave at pinipigilan. Kaso makulit siya kaya nasusundan niya ako, hindi ko namamalayan na kabisado niya pala ang mga paborito ko. Kung saan ko gustong pumunta, paboritong pagkain, paboritong gawin at lahat na.

Ang masama pa, hindi ko mabantayan si Chloe dahil sa kanya. Ang tagal naman kasing kumilos nitong si Dave. Hay bahala na bukas, hihingi na lang ako nang tawad kay Chloe dahil sa inasal ko.

Wala ding nakakaalam na may trabaho na ako, doon na din ako mago-OJT sa kompanya nang kaibigan ng magulang ko. Bawal kasi ang family business, at para naman may sarili akong pera.

Buti nga at binabayaran nila ako, may experience na din kasi ako sa workplace kaya may sahod na din ako. At ayos lang sa kanila na magtrabaho na talaga ako.

-

Chloe's POV

"Kinakabahan ako." Sambit ko. Tumatawag na kasi sa akin ang HR ng M.A Hotel and Restaurant. Sana naman, sa oras na ito matanggap na ako. Ang hirap kayang maghanap ng kompanya. Tatlong beses nag-ring ang cellphone ko bago ko ito sagutin. Nakinig akong mabuti sa mga sinabi niya, sumagot din ako sa mga tanong at okay naman ang naging usapan namin. Pagkababa nang telepono ay...

"Ahhhhhh! Ohmygod! Ohmy! Ahhh!" Hindi ako makapaniwalang nakapasa ako. Yes! Next week ay maaari na daw akong magsimulang magbasa, sobrang saya ko talaga. Nagtatalon pa nga ako sa tuwa ngayon. At least masisimulan ko nang bunuin ang tatlong daang oras.

"Ang sakit sa tainga." Anito at nagtakip ng tainga niya. Magagawa ko? Masaya ako ngayon. Sobrang saya!

"Ahhhh! This is great! I'm so... so happy!" Sigaw ko ulit. Akala ko aabutin ako nang isang buwan buti na lang at pumayag agad sila.

"Libre na 'yan!" Inismiran ko nga siya. Pagkatapos akong sabihan ng maingay magpapalibre siya! Hmp.

"Mukamo!" Sigaw ko.

"H'wag na magtampo. Please. May sasabihin din ako sa'yo, sobrang halaga ito at dapat mong malaman." Sabi niya. Ano naman kaya 'yon? Naka-kunot lang ang noo ko sa kanya habang tinititigan siyang maigi. Malay ko ba kung seryoso siya?

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Shet. Hahalikan niya ata ako. Tsk. Bakit ngayon pa? Ngayon ba talaga niya ako hahalikan?

"Wait lang, Cedric. Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko, na siyang dahilan kung bakit tinaggal niya ang kamay niya sa mga pisngi ko.

"Basta." At hinawakan niyang muli ito, na siyang ikinabahala ko. Hindi pa ako nagsisipilyo! Please lang talaga!

Hindi pala niya ako hahalikan dahil imbes na maramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko ay dumampi ito sa pisngi ko. Okay, ako na ang nag-assume.

"Chloe, let's go somewhere else. Somewhere else."

*

Hindi ko alam kung saan na kami nagpunta ni Cedric. Sumakay kami nang jeep, bus at cab, balak atang sakyang lahat ng public vehicles. Ang layo na namin, hindi ko na alam kung saan kami napadpad. Nakatulog din kasi ako nang sumakay kami sa bus at cab.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon