KABANATA XXIII

164 7 0
                                    

Sire's POV

"Sagutin mo na please." Kanina ko pa tinatawagan si Sir Arthuro pero hindi pa din niya sinasagot ang cellphone niya. Nag-aalala na ako dahil hanggang ngayon ay wala pa din si Chloe, tapos hindi din siya nagte-text sa akin. Ang saya ko pa naman ngayon dahil sa wakas ay nakuha ko na ang mga dokyumento niya. Nandoon kasi sila Anna at Dave tapos minsan nakikita ko si Xander. Iyong gag*ng 'yon, gusto kong ingudngod ang mukha niya sa sahig ng magtanda!

"Sir! Tatlo po sa gwardya namin ay natagpuang bumubula ang bibig at nakita po namin sa CCTV na may isang taong naka-itim ang nakapasok dito." Sabi nito sa akin. Shit.

Pumunta agad ako sa security room at nakita kong may isang babaeng kinakausap ang tatlong gwardya namin at binibigyan ito nang aliw habang 'yong isa naman ay nainom. Umiinom na din ang dalawa habang patuloy lang ito sa pagsayaw. Ilang minuto ang lumipas ay biglang bumula ang bibig nila at hinila niya ito sa kung saan. Kaya pala siya nakapasok. Isang babae lang magpapabagsak sa tatlong gwardya namin!

"May nakuha bang plaka ng kotse para ma-trace natin kung kanino ito."

Agad akong tumawag ng kakilalang security ni Sir Arthuro, mayroon siyang kaibigan na pwede naming tawagan para wala nang maraming tanong. At alam din nito na nasa alanganin ang buhay ni Chloe. Hindi nga lang alam ito ni Chloe dahil ayaw namin siyang ma-stress lalo na't maselan ang pagbubuntis niya noon.

Tinawag ko ang maids at inutusan silang bantayan ng maigi ang mga baby at sabihin kaagad kay Sir Arthuro ang nangyari. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko ngayon, kung si Chloe ba o ang anak niya. Palagi kasi niyang sinasabi sa akin na alagaan ko daw ang anak niya kung sakaling may mangyari.

"Hijo?" Napalingon ako sa nagsalita at laking pasasalamat ko nang makita ko si Sir Arthuro.

"Sir, nasa panganib si Chloe. Dinukot siya nang isang babae, hindi ko mamukhaan dahil hindi malinaw sa CCTV tapos napatay niya ang tatlong gwardya ninyo." Sabi ko at napansin kong papalapit ang isang lalaking kausap ko kanina lang tungkol doon sa pinapahanap ko na plate number ng kotse.

"Sir Sire, nandito na po ang pulis at alam nila kung sino ang nagmamayari nang kotse na ito. Babae po ang may-ari at sakto po ito sa nakita natin kanina sa CCTV. Hindi lang po kita ang mukha, pero heto po ang pangalan niya." Ipinakita niya sa akin kung anong pangalan at laking gulat ko nang makita ko ang pangalan niya.

Rhoda Jane Arceo.

Si RJ. Shit.

Akala ko kaibigan niya ito, bakit niya ginawa iyon kay Chloe? Sana hindi niya nakita ang mga anak nito.

Hinarap ko si Sir Arthuro. "Kailangan ko na po umalis. Tara na, Chief." At umalis na kaagad kami.

Sa kabilang dako...

Chloe's POV

Nang magising ako ay nagulat ako sa nakita ko. Nasa isang madilim akong kwarto, isang kama at lamesa lang ang nandito pati na rin ang built-in na cabinet. Hindi ko alam kung saang lugar niya ako dinala dahil may pinaamoy siya sa akin na naging dahilan ng pagkahilo ko.

Nakatalikod siya sa akin at hindi ko alam kung anong ginagawa niya. May hawak-hawak itong pang-turok. "Anong problema mo sa'kin? At anong balak mong gawin?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin at ginagawa niya ito. Tumawa ito nang pagak. Naiirita na ako at gusto ko siyang sabunutan. "Wala naman." Sagot nito. Pinaglalaruan lang niya ako.

"Magkaibigan ba talaga tayo o isa ka din sa mga gustong pumatay sa akin?"

"Pwedeng isa ako doon at pwedeng hindi rin." Naguluhan naman ako sa sinasabi niya, wala akong maintindihan.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon