KABANATA IV (Public)

455 36 36
                                    

Chloe's POV

Kanina pa tahimik itong si Margaux, nakakapagtaka tuloy siya. Hindi naman dahil sa maingay siya, o madaldal. Parang may iba kasi sa kinikilos niya, nakalipas na ang isang linggo at napapansin kong may nagbago talaga sa kanya. Nung una, akala ko dahil sa mababa daw ang grado nito sa isang major subject niya. Hindi pa ata iyon ang dahilan, dahil madalas ay positibo itong mag-isip na makakabawi siya, 'pag ganoon ang nangyayari.

Ilang linggo na din pala kaming magka-text nung si Xander. Ang sweet nga nang loko eh, syempre pinapatulan ko. Ginusto niya akong pag-trip-an, pwes, ganoon din ang gagawin ko. Hindi kasi ako naniniwalang mahal na niya ako, at na-love at first sight daw siya sa akin. Wala nga akong naramdamang 'sparks' eh. Wala nga ba? Ah basta! Parang wala ata eh.

Nag-date na din pala kami, lumabas lang sa mall at nagikot-ikot. Sweet siya na lalaki, matipuno, matangkad, palabiro, at oo aaminin kong na-aattract ako sa ka-gwapuhan niya. PERO, hindi ako mahuhulog sa kanya!

Sunud-sunod na tunog ang narinig ko mula cell phone ko, marahil ay madaming nagti-text sa akin. May mga lalaki kasing nanghihingi nang numero ko, heto naman ako, bigay lang din ng bigay. May private number naman kasi ako, kaya ayos lang.

"Liana, may napapansin ka bang kakaiba kay Margaux?" Tanong ko, kasalukuyang kumakain kami nang pananghalian. Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay ngayon, lahat sila ay may klase at may lakad.

"Hmmm... Wala naman. Bakit?" Sagot niya.

"Parang ang lungkot-lungkot kasi niya eh. Kapag may problema naman siya, nakangiti pa din siya. Bakit ngayon, hind na?" Kakaiba talaga eh. Ano ba kasing nangyari sa isang 'yun?

"Baka may malalim na problema. Hayaan mo na muna siya."

"Gusto ko siyang tulungan eh." Tumayo siya at kinuha ang kinainan namin at tinalikuran na niya ako para maghugas. Sinundan ko naman siya patungo sa may lababo.

Lumingon siya sa akin. "H'wag ka nang makialam, dahil wala ka namang maitutulong. Lalo lang magkakagulo." Ano daw? Bakit parang alam niya 'yung problema ni Margaux?

"May alam ka ba?" Diretsong tanong ko sa kanya. Hindi na kasi ako mapakali sa kinikilos ni Margaux eh, nag-aalala na ako.

"W-Wala." Confirmed. Alam niya nga! Hindi siya kakabahan kung hindi naman talaga niya alam. I'll figure it on my own.

*

Umalis na ako at nagsimulang pumunta sa unibersidad namin, naunang umalis si Liana kaya ako lang ang naiwan sa bahay. Mukhang naglilihim sa akin si Liana at Margaux, ano naman kaya iyon?

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan ko, 'yung tipong parang may sumisilip sa'yo. Agad ko namang kinuha ang stun gun(1) at madaling lumapit sa may pintuan ng kwarto ko. Binukas ko ito at wala naman akong nakita, baka guni-guni ko lang.

Nakarinig ako nang tunog ng vase na nahulog, kinakabahan na talaga ako kasi baka kung ano o sino na 'yun. Pagkarating ko sa kinaroroonan ng tunog ay may nakita akong lalaki na hindi mapakali dahil hindi niya alam kung saan siya lalabas, may bitbit itong bag na sa tingin ko ay may laman. Tsk. Magnanakaw!

"Hoy magnanakaw! Saan ka pupunta?" Unti-unti siyang lumingon sa akin at nagtaas ng kamay, mukha siyang ninja sa suot niya. Mga mata niya lang ang makikita mo, balot na balot talaga siya sa suot niya.

Mabilis akong lumapit at ginamit ko ang stun gun sa kanya para mawalan siya nang malay. Anong klaseng magnanakaw ba ito? Hindi man lang nanlaban? Mukhang hindi pa ata ako makakapasok sa eskwela dahil sa kanya.

Itinali ko ang mga kamay at paa niya para 'pag gising niya ay hindi siya makakagalaw. Alangan naman kasing pabayaan ko lang siya. Matapos ang ilang minutong pagtatali at pagbubuhat ko sa kanya ay binuhusan ko siya nang malamig na tubig pero kaunti lang.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon