KABANATA XXIV

174 7 0
                                    

Chloe's POV

"RJ?"

"Yes? Alam kong hindi ka tanga, at nakikita mong parehas tayong nakatali at hindi ko alam kung anong balak sa akin ni Xander." Sabi niya kahit wala pa naman akong tinatanong, pero nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ni Xander. Si Xarley ang dahilan kung bakit ako nandito. Ibig sabihin...

"Anong iniisip mo diyan? Baka pwede mong i-share dahil nabuburyo na ako dito at hindi ko talaga alam kung anong balak niya sa akin. Naiinis na ako."

"Si Xarley kasi ang nagdala sa akin dito." Napalingon siya ngunit walang bakas ng gulat sa reaksyon niya ang nakita ko. Alam din kaya niya?

"Wala na akong alam dito Chloe, kung 'yan ang iniisip mo. Ang alam ko lang parang may gustong pumatay sa inyo --- kayong pamilya. Ewan ko kung bakit. Ako, galit lang ako sa tatay ko at sa'yo. Nakuha mo din kasi siya. Si Xander, mahal ka nun. Tapos mahal ko siya, nakakainis dahil ako ang lugi. Wala na akong mana, na dapat naman talaga na sa akin. Tapos 'yong taong mahal ko, hindi naman ako mahal. Nakakainis di ba?" Nakinig lang ako sa kanya at naisip kong parehas kaming puro galit ang laman ng puso. Ako naman ay galit kay Fernando dahil sa ginawa niya sa amin pero masaya pa rin ako dahil tinulungan ako ni Sir Arthuro, kami nang mga anak ko. At galit din ako kay Xander, dahil pinaglaruan niya ako tapos ngayon malalaman kong mahal daw ako nito. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.

Hindi na din ako dapat magulat na nadamay si RJ dito, dahil masasamang tao ang mga gustong pumatay sa akin. Nagawa nga nila kay Cedric, kay Fernando pa kaya.

Naalala kong sinabi pala sa akin ni Xarley na... ginamit nila si Cedric. Pero pinatunayan naman niyang mahal niya ako. Bwisit, hindi ko na alam kung anong totoo.

Bumukas ang pintuan at hindi ko na ikinagulat ng makita ko sina Xander at Xarley. Silang dalawa ang dahilan kung bakit kami nandito. May isang lalaki din na pumasok na nakasuot ng kulay itim na t-shirt at may dalawang X na naka-imprenta dito.

Si Jaccob.

"Bro, bakit ka nagpakita kaagad? Nagulat tuloy si Chloe." Sabi ni Xander kay Jaccob.

"Panalo ka naman sa pustahan eh." Pinagpustahan pala ako nang mga hayup! Tapos sasabihin sa akin nitong si RJ na mahal daw ako ni Xander.

"Simulan na natin 'to kay RJ, Xander. Mamaya na 'yan." Sabi ni Xarley at sinimulan nilang lapitan siya.

"Anong kailangan mo kay Chloe? At sino ka talaga?" Tanong ni Xarley, may napansin akong nasa likuran ni Jaccob ngunit hindi ko siya maaninag dahil madilim dito at isang ilaw lang na malapit sa amin ang nakabukas. Nagtitipid ata sila nang ilaw.

"Hindi ko alam na kwentuhan time din pala ang mangyayari dito. Pero, sige ibibigay ko ang gusto niyo." Panimula niya. Lahat kami ay nakikinig sa kanya. "Si Fernando ay tatay ko. Biological father ko siya, isa sa mga babae niya ang nanay ko at hindi niya alam na nagbunga ang ginawa nila. Takbuhan kasi niya ang nanay ko sa t'wing nagkaka-problema ang pamilya ni Chloe. Ang masama wala man lang iniwan sa akin na mana kahit na alam niyang totoo niya akong anak!"

"Kaya pala... mukhang pera." Sabi ni Xander.

"Naging katulad din ako nang nanay ko dahil sa'yo!" Dinuraan niya ito na siyang ikinagalit nito at sinuntok siya sa tiyan. Napapikit ako sa nangyari dahil hindi ko akalaing mananakit siya nang babae. Bakit ko pa ba naisip iyon, eh mamatay tao nga sila.

"Ang dami pa lang gustong mawala ka Chloe. Kawawa ka naman, at isa na kami doon." Lumipat naman ang tingin nila sa akin, si Jaccob naman ay nilagyan ng duct tape ang bibig ni RJ.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon