KABANATA X

164 17 1
                                    

Dave's POV


Galit na galit sa akin si Anna dahil sa nangyari sa aming dalawa. Ilang araw na nga akong hindi pinapansin. Tinapos ko na din ang relasyon na meron kami ni Lara. Alam naman niya ang role niya sa buhay ko kaya madali lang para sa aming ang maghiwalay.


Sa ngayon, kailangan kong maging matigas sa relasyon namin ni Anna. Kailangang ako ang masunod at hindi ko hahayaang mawala siya sa paningin ko. Mahirap na, baka kung anong pumasok sa kokote niya at gawin nga niya.


"Hi baby." Pagbati ko kay Anna, inakbayan ko siya kaagad. Kanina ko pa siya inaantay dito sa tapat ng classroom. Baka takasan na naman kasi niya ako. Late na siyang umuwi sa gabi tapos ang aga niyang umalis sa umaga. Napaghahalataang iniiwasan nga niya ako.


"Bwisit talaga." Akala naman niya hindi ko narinig 'yung bulong niya. Hinalikan ko siya kaagad na siyang ikinagulat niya. Buti na lang at walang school staff na nakakita sa amin kundi yari kami.


"Bwisit!" Tinawanan ko lang siya at naglakad na papuntang parking lot.


"H'wag ka na ngang magalit baby, kakainin kita!" Pagbabanta ko, dapat maging matigas ako. Tiningnan lang naman niya ako nang masama at naunang naglakad patungo sa kotse ko.


Pagkapasok namin sa kotse ay agad ko itong pinaandar at hinarass ko siya. "Ano ba Dave! Nakaka-bwisit ka na ahh! Bitawan mo nga ako! Tantanan mo ako!" Sigaw niya. Pinupugpog ko nang halik ang leeg niya. Ang isang kamay ko naman ay ginamit ko para hawakan ang dalawa niyang kamay. At ang isa naman ay busy sa paghimas sa binti niya. Tingnan lang natin kung makaalma pa siya!


"Ti-Tigilan m-mo na 'to Da-Dave! Uhh... Ano ba?!" Titigilan ko lang siya kung ititigil na niya ang mga plano niya. Ang plano niyang isakal si Sire sa kanya. Tumigil ako at tinitigan siya nang maigi, nakipagtigasan din naman siya nang tingin sa akin.


"Titigil lang ako kung magiging akin ka na! At kung mabubuntis na kita!"


"Stop! Fine!" Huminto naman ako at tinitigan siyang maigi, hindi ko lang alam kung ang pinapahiwatig niya ba ay kung pumapayag na siya tungkol sa gusto ko.


"What?"


"Oo na, pumapayag na ako. Sa isang kondisyon." May kondisyon pa siyang nalalaman, baka kung ano pa ang ipagawa niya at hindi ko pa ito magustuhan. Tsk. Pinapahirapan pa ako.


"Ano naman 'yon?" Bored kong sabi. Kung bakit kasi may kondisyon pa eh! Hindi na lang pumayag. Nakakabanas.


"We need to kill Chloe."


-

Chloe's POV


Kanina pa ako nagdadalawang isip kung pupunta ba ako o hindi. Huwag na lang kaya akong tumuloy, tutal ayaw ko naman siyang makita. Kaso lang binantaan niya ako na, kapag hindi ako nagpakita ngayon ay mangugulo daw siya sa shop ko. Nakakainis lang talaga. Wala na talagang magawang matino ang tatay ko.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon