Cynthia's POV
Ang sarap sa pakiramdam na pinapahalagahan na ako ni Daniel, ibang-iba siya dating Daniel na kilala ko. Ganito ba ang nagagawa nang pakikipagsiping sa kanya? Ibinigay ko na ang lahat sa kanya at halos wala na akong itinira para sa sarili ko, sana makuntento siya sa akin at hindi niya ako ipagpalit sa iba. Natatakot ako. Ayaw kong masaktan ulit.
"Hon..." Tinapik ko siya. Kakatapos lang nang pagniniig namin kanina at naka-ilang rounds din kami kaninang madaling araw. Alam kong pagod siya, ganoon din naman ako pero kailangan naming pumunta sa probinsiya namin. Nangako ako kanila Nanay at Tatay na dadalaw kami kahit dalawang gabi lang kami matutulog doon.
"Hmm..." Iyon lang ang tanging sagot niya sa akin. Hindi kasi ako makatayo dahil nakayakap siya sa akin. Balak ko kasing handaan siya nang agahan pero paano ko ba naman magagawa iyon, kung tulog mantika siya?
Kaninang madaling araw, nageempake na ako para sa pagalis namin. Tulog na siya nun at galing din kami sa pagsiping. Talagang plinano kong magising ng madaling araw para hindi hassle ngayon. Ang kaso, nagising siya at pinagod na naman ako. Buti na lang pinatapos niya akong magempake bago kami nag-wrestling na naman sa higaan.
"Daniel. Kailangan na nating umalis." Sabi ko habang niyuyugyog siya sa balikat. Ngumiti lang ang loko habang nakapikit pa rin ang mga mata niya.
"Sure. Basta ba sabay tayo maligo." Sabi niya habang nakapikit pa din ang mga mata niya. Nagpapa-cute! Effective naman!
*
Chloe's POV
Tulog. Gising. Tulog. Gising.
Nakakainis di ba?
Hindi ako makatulog dahil may nagiwan ng mensahe sa table ko. Pinilit kong matulog, dahil hindi ko din naman alam kung anong sagot sa mga tanong ko. Pero nagigising naman ako, nakakayamot. Nung nakatulog naman ako, narinig ko naman 'yung mga ungol galing sa kwarto nila Daniel at Cynthia. Malapit ang kwarto nila sa kwarto ko kaya rinig na rinig ko ang milagrong ginagawa nila.
Nakakaloka.
Tumayo na ako tumingin sa salamin. Aba! Lalong lumaki ang eyebags ko! Ang pangit tingnan. Nakakainis. Maglalagay na lang ako nang make-up para hindi pangit tingnan mamaya 'pag pumunta ako sa shop.
Kinuha ko ulit ang munting papel na hanggang ngayon ay naka-patong pa din sa table ko.
"Beware of your friends." - Queen
Iyan lang ang nakasulat sa papel, pero nakaramdam ako nang kaba kaagad. Hindi ko naman alam kung bakit. Matagal ko na namang nakasama ang mga kaibigan ko at ngayon lang kami nagkakagulo. Iyong iba maayos naman eh. Ay ewan ko ba.
Sino kaya ang naglagay nitong papel?
Kaibigan ko kaya? Kasi bihira naman ang insidenteng nakawan sa amin eh.
Nakita kong umilaw bigla ang phone ko kaya kinuha ko ito, naka-silent na kasi ito. Ang dami kasing nagtitext. Ang hirap talaga 'pag mahaba ang hair!
Seriously?!
Alam 'yung feeling na nagulat ka dahil nakatanggap ka nang 100 messages sa iba't ibang tao. Galing kanila Sire, Jaccob, Xarley, Xander at Cedric ang texts. At ang pinakamalupit ay si Jaccob, padalhan ba naman ako nang 50 messages na iisa lang ang laman?
Si Xander naman mahigit trenta na mensahe din ang pinadala. Iyong iba kagabi pa galing, at least hindi pare-parehas. Si Sire naman, kasama ko na dito sa bahay tinetext pa ako nang limang beses. Sampung mensahe galing kay Cedric at lima naman kay Xarley. Sipag nilang magtext!
Wala akong sinagot kahit sino sa kanila. Bahala sila. Maliligo na ako.
Nang matapos akong maligo ay binasa ko ulit ang text ni Jaccob, may date kasi kami. Pupunta naman ako, text pa nang text. Akala naman niya hindi ko siya sisiputin. Seguristang bata!
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?