Chloe's POV
Nang makarating ako sa bahay agad akong sinalubong ni Sire, alam ko na kung bakit. Itatanong niya kung sino ang kasama ko, at bakit hindi ko siya tinawagan. Feeling boyfriend. Amp.
"Who's that shit?" Ma-awtoridad na saad ni Sire sa akin. Take note, humalukipkip pa siya, parang tatay ko lang eh, kainis. Grrr. Ay, hindi nga pala ganun ang tatay ko kasi wala siyang pakialam sa akin.
"The hell you care." Pakialam niya ba, kung hindi lang ito kaibigan nila Gab, di ko ito pakikisamahan.
"Yeah, I do really care." Malambing na sabi niya sa akin. Yeah, I know he really likes me. Pero ayaw ko sa kanya, hindi naman siya mahirap mahalin, actually, he's a boyfriend material. Ako lang talaga ang may ayaw, at dahil ayaw ko pa nang commitment. And I am really afraid, na mangyari sa akin 'yung mga drama na napapanuod ko sa Teleserye.
I just sighed and faced him. Ano pa nga bang magagawa ko, kung tatarayan ko lang siya? Ako lang din ang mapapagod, dahil sa ubod siya nang kulit.
"Patulong na lang ako. Please." Mahinahon kong sabi sa kanya, ngumiti naman siya at tinulungan ako sa pagbibitbit ng mga binili ko.
*
"Good morning everyone, Miss Marquez will be your new teacher in this course subject. I'm sad to say that Mr. Red is dead because of an accident yesterday." Kahapon lang namatay? Huh? Buti naman at agad silang nakahanap ng pamalit para kay Mr. Red. Gustong-gusto ko pa naman siya magturo tapos biglang sa isang iglap nawala na lang siya.
"Kahapon agad namatay? As in?" Nagulat na wika ni Liana at napalingon sa kanya ang mga katabi namin na sina Jessa at Lara. Parehas nga pala kami nang kurso ni Liana, kaming dalawa lang ang kumukuha nang HRM na kurso sa aming magbabarkada.
"Oo nga eh. Kahapon agad? Siguro dead on arrival kaya ganun." Sabi ni Lara at sumang-ayon din sina Jessa at Liana.
Nakakagulat talaga, naririnig ko din ang mga bulung-bulungan ng mga ka-klase ko. Pati si Liana ay naki-chismis na din sa kanila at matapos nun ay bigla akong siniko. Napatayo ako nang maayos dahil sa ginawa niya, at nagulat din ako nang biglang lumapit sa akin 'yung bagong teacher.
"Miss, what's your name?" Tanong niya sa akin, halatang mataray siya dahil sa tono nang pananalita niya.
"Chloe Lysandra David, Ma'am." Sagot ko naman at nakita ko ang pag ngisi niya, bigla naman akong kinilabutan doon. "Lead the prayer." Naglakad na ako papunta sa harapan nang mga kaklase ko at nagsimula nang magdasal.
Habang nagdarasal ay kinakabahan at medyo nauutal ako dahil pakiramdam ko ay tinititigan ako ni Miss Marquez. 'Yung titig na nakakakilabot at parang tumatagos sa pagkatao ko.
Lumakad na ako pabalik sa pwesto ko at nagsimula na siyang mag-orient at maya-maya ay mayroon kaming practical, nakakapagod ang araw na ito. Ito kasi ang araw kung saan gagawa kami nang cuisine, ganito talaga pag HRM, kailangan ginagawa mo mismo ang mga dish, dessert at iba pa, dapat alam mo din ang pag-manage kung sakaling magkaroon ka nang sarili mong negosyo kaya four years ito.
Lumilipad ang utak ko ngayon, nakaka-stress ang maging graduating student ang dami kasing kailangang gawin.
Makalipas ang ilang oras ay uwian ko na, sabay kami ni Liana pumapasok at umuuwi nang unibersidad. Parehas kasi kami nang schedule, minsan kasama namin ang iba pa naming kaibigan pero mas madalas na kami ang magkasama.
Liana's POV
Umarte ka na para kang walang alam, dahil kung hindi malilintikan ka talaga sa boss mo. Pinapangaralan ako nang sarili ko, stress na nga ako dahil graduating na kami tapos biglang dadagdag pa ito.
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?