Sire's POV
Anak ng tokwa! Hindi ako makapaniwala sa narinig at nakita ko. Parang isang masamang bangungot lamang ang nangyari. Napaka-imposible. Bakit ba sunud-sunod na ang ganitong pangyayari sa amin?
Alam kong naging masama ako kay Chloe, pero hindi ko hinahangad na mawala siya. Alam kong malaki din ang galit niya dahil sa ginawa ko at malamang gagantihan ako nun. Hinanda ko na ang sarili ko.
Ang isa pa naming problema ay si Margaux, nabalitaan namin sa telebisyon na may nagplane crash at kasama siya sa mga taong nakasakay doon. Papuntang Singapore ito at napagalaman ko din sa source ko na mayroon itong kasamang lalaki.
Account number ng lalaking nagngangalang Jarred Xanti Valenzuela ang nagbayad ng plane tickets nilang dalawa. Boyfriend kaya siya ni Margaux? Wala naman kaming nababalitaan na boyfriend niya.
Bakit parang puno nang misteryo ang pagkakaibigan namin?
Bakit parang ang daming sikretong unti-unting lumalantad?
Bakit parang mayroong sumisira sa pagkakaibigan namin?
Sino ang may pakana?
-
Tinawagan ko sila Anna, Dave, Cynthia at Daniel dahil sila na lang ang natitirang kaibigan kong pwede kong makausap at maisalba ang buhay.
"Baka may mga taong gustong manakit sa isa sa atin?" Tanong ni Daniel. Nagkatinginan naman sila Anna at Dave. Sa tingin ko kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Chloe, naalala ko nang ma-kidnap ako dati nang kung sinoman iyon. Sabi niya angkinin ko daw si Chloe, kaso ang nangyari ay nawala siya sa akin.
"Si Chloe." Sumang-ayon din silang si Chloe ang target dahil maraming beses ng napapahamak siya palagi. At bigla na lang siyang maraming manliligaw at minsan naman ay sinuswerte siya. Hindi ko na talaga maintindihan. Konektado ba ito sa taong dumukot sa akin?
"I have a confession to make guys, I was... kidnap." Tiningnan nila ako na parang madami silang gustong malaman tungkol sasabihin ko pero na natili silang tahimik. "And the man told me to... do everything to win Chloe back. Hindi ko nga alam kung bakit eh, well, I did try to win her back pero wala nilayasan niya ako. That's the truth. Hindi ko na sasabihing ginahasa ko si Chloe, papalabasin ko na lang na binalaan ko siya at pinilit na mahalin ako.
"And you kidnap Chloe? Am I right Sire?" Tanong naman ni Anna, na tila naghuhurmentado na base sa tono nang pananalita niya. Nag-aalala ba talaga siya? Sa pagkakaalam ko... gusto niyang lasunin si Chloe. Hindi ako ganoon ka-tanga para maniwala sa paliwanag niya.
"Yes. I did. Kaso natakasan niya ako, at ngayon hindi ko na siya mahagilap." Pag-amin ko ulit. Hindi ko pa talaga makita kung nasaan si Chloe hanggang ngayon. Pakiramdam ko nga ay nasa panganib na siya. Huwag naman sanang mangyari iyon. Siguro tama nga iyong nagbigay ng babala sa akin. Ang bagal ko kasing kumilos, at ang tanga ko pa. Nagpakasarap nga ako, panandalian lang naman.
"We need to find her. Ang daming misteryo tungkol kay Chloe." Sabi naman ni Dave.
Dave's POV
Yes, we need to find her. Dapat kami ni Anna ang maunang makakita sa kanya para maisagawa na namin ang dapat naming gawin. Kung hindi ko lang mahal si Anna ay hindi ko ito gagawin.
Labag sa kalooban ko ang binabalak namin, pero ayaw ko namang mamatay kaming dalawa. Masyadong malakas ang binabangga naming mga tao. Konektado sila sa mga illegal na gawain kaya alam kong mga halang ang bituka nila.
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?