Chloe's POV
Nandito pa rin ako sa kuta kung saan ako dinala ni Fernando, wala akong karapatang tawagin siyang isang Tatay o Ama. Dahil hindi ko man lang iyon naramdaman, pero naging masaya ako naman ako dati dahil maayos pa kami.
Nandito ulit siya sa harapan ko para sabihin ang tunay na pagkatao nang mommy ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, wala akong alam sa nangyari nang nakaraan at ang tanging paniniwalaan ko lang ay ang mommy ko, kung siya ang nagku-kwento. Kaso wala na siya. Matagal na. Kaya ngayon, puro kasinungalingan lang ni Fernando ang maririnig ko. Saan ko kaya makukuha ang totoong kasagutan?
"Ang mama mo ang dahilan ng lahat ng ito Chloe... pero sige, aaminin ko din na may kasalanan din ako." Pagsisimula niya. Nanahimik lang ako dahil ayaw ko nang makipagtalo, nanghihina din ako dahil hindi naman ako pinapakain ng maayos at pinagtitrip-an ako nang mga tauhan niya. Akala ko talaga gagahasain na nila ako, binugbog nila ako at binubuhusan ng tubig.
"Naging mag-asawa kami nang mama mo dahil sa isang arranged marriage, hindi kami pumayag dahil may iba kaming karelasyon parehas. Ang mama mo ay nobyo ng tunay mong ama, habang ako ay nobya ko si Jean. Ipinakasal dahil gusto ng yumao kong lolo ang mama mo at gusto ding mabayaran ng pamilya ng mama mo ang utang na loob nila sa pamilya namin kaya't... napagisipan namin na magpakasal at kinausap namin ang mga naging karelasyon namin." Ramdam kong may poo't galit ang dala-dala niya sa kanyang dibdib. "Hindi mo alam kung gaano kasakit na biglang bumitaw ang minamahal mo kung kailan kaya mo na siyang ipagsigawan sa lahat. Mas pinili nitong maghanap ng iba at ipamukha sa akin na wala akong kwenta, naging maayos kami ni Marianne at nagbunga ito." Hindi ko masundan ang kwento niya dahil nalilito ako.
"Matapos umalis ng nobya ko ay kasunod din nito ang pasya ng papa mo na mag-aral ng Masterals sa Maynila at magtayo ng negosyo. Sobrang nalungkot ang mama mo at inamin niyang ginamit niya ako para makalimutan ang papa mo at ganoon din ako. Naging maayos na kami nang isang araw... sinugod kami nang tatay mo nagtaksil daw ako at nagalit siya nang makita ka... akala niya ako ang totoong tatay mo. Nilihim ni Marianne ang lahat sa sobrang galit niya sa tatay mo kaya pati ako pinaglihiman niya. Hanggang sa malaman ko na hindi pala kita kadugo, parehas kami ni Marianne na hindi makapag-donate ng dugo noong na-dengue ka. Lubos na ipinagtaka ko iyon kaya, nagpasuri ako at tama nga ang hinala ko." Pagku-kwento niya. Nakaramdam naman ako nang awa sa kanya at galit na din. Kailangan ba niyang manakit dahil dito, sana kinausap man lang niya si mama.
"Kahit kailan ay hindi na bumalik ang tatay mo at di na ito nagpakita, ang huli naming balita ay nasa ibang bansa daw ito. Hindi gugustuhin ni Marianne na makilala mo ang tunay mong ama, kaya kahit alam ko na ang lahat nagpupumilit pa din siyang isiksik ang sarili niya sa pamamahay ko. Oo, aamining kong sinaktan ko siya para tuluyan ng lumayo. Pero hindi ko siya pinatay, Chloe! Nagpakamatay siya! Hindi mo alam 'yun dahil isa itong frame up, pinagmukha niyang ako ang pumatay sa kanya lalo na't... may nalaman siya..." Tumigil ito sa pagsasalita at biglang lumapit sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin at balak niyang gawin sa akin. Napalunok ako nang maramdaman ko ang paghinga niya malapit sa may kaliwang tainga ko.
"Hindi niya matanggap na may anak ako sa iba, na maaaring masira ang reputasyon niya. May anak ako kay Jean, ngunit hindi ko makita kung nasaan naman si Jean. At alam mo ba kung bakit kita halos mapatay noon?" Umiling lang ako at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Isang dipa lang ang layo nito sa mukha ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at hinanakit na dinala niya maraming taon ng nakalilipas.
"Muntik niyang mapatay ang anak ko! Hayop siya!" Lumayo ito sa akin at bigla siyang bumunot ng baril. Nagulat ako nang bigla niya itong ikasa at itinutok sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, namamanhid ang buong katawan ko. Bakit ko ba ito nararamdaman? Na parang lahat ng sinabi niya totoo... na siguro nga may kasalanan ang mama ko at ako na ang nagbabayad sa lahat ng mga kasalanan niya.
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?