KABANATA XXV (HULING KABANATA)

284 6 0
                                    


Chloe's POV

Apat na taon na ang nakalipas, ang dami nang nangyari sa buhay ko. Pinagmalupitan ako, pinagbayad sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa, at ang masaklap pa ay nagbunga at nagwagi sila. Huli na nang malaman nila ang totoo, huli na para humingi sila nang tawad at magsisi sa lahat ng ginawa nila sa akin.

Para sa akin, ayos lang, masaya na ako ngayon. Mali ang ginawa nilang paghiganti at panloloko sa akin, pero hindi rin nila kasalanan kung sila ay pinaglaruan din. Ang lahat ay magiging parte na lang ng nakalipas, kahit na anong gawin ko pa ay hindi ko na ito mapapalitan. Mababalikan ko na lang ang nakaraan, iisipin ko na may mabuti itong naidulot at binigyan din ako nang mga magandang biyaya kahit na ang daming pagsubok na nangyari sa buhay ko noon.

"Mama! Mama! Look oh, may star ako!" Sabay pa silang dalawa na nagsalita, si Xandra at Xerxes. Sila ang mga munting anghel ko, isang batang babae at batang lalaki. Akala nang ob-gyne ko noon ay parehas na babae babies ko, pero hindi pala dahil si Xerxes ay isang lalaki.

"Wow! Ang galing talaga nang mga babies ko, dapat pala may reward si Mama!" Ang talino talaga nang kambal ko, pareho silang may honor kahit na mas makulit itong si Xandra. Akala ko nga si Xerxes pa ang magiging pasaway pero, mali pala ako dahil si Xandra ang laging pasimuno sa mga kalokohan nila.

"Mama, I want an ice-cream. Puh-lease." Paano pa ba ako makaka-hindi kung sinisimulan na naman ni Xerxes ang pagpapa-cute niya. Magka-mukha talaga sila nang tatay niya, siya ang batang version nito. Sa tuwing nakikita ko si Xerxes, naalala ko na naman siya. Asan na kaya siya?

Matapos ang lahat ng nangyari sa amin, hindi na siya nagpakita. Hindi ko nga din nasabi sa kanya na nagdadalang-tao ako nun, dahil sa nangyari.

Bat pa ba ako nagtatanong? Dalawang taon din akong namalagi sa ibang bansa matapos kong ipanganak sila, lumipad agad kami sa Canada para makapagsimula nang panibagong buhay at para makalimot sa nakaraan.

Nang umuwi naman kami sa Pilipinas bago sila mag-apat na taong gulang ay hindi ko man lang nakita o nakasalisihan siya. Kahit isa sa kanila, maliban na lang kay...

"Mama, Tito Sire is here!" Sigaw ni Xandra, sabay takbo papunta kay Tito Sire niya. Mukhang may dalang pasalubong si Sire para sa kanila, nagkita kami dahil bumili siya sa bagong cakes and pastries shop na itinayo ko ulit. Lumipat kami sa mas malapit sa M.A Hotels ni tatay dahil dito na sila kumukuha nang mga pang-himagas nila.

Bumili siya nang cake doon habang ako naman ay nagbabantay doon dahil bagong tayo pa ito. Binenta ko na ang negosyo ko dati kaya nagtayo ako nang iba, parehas pa din naman pero mas mahal na ang binebenta ko kaysa sa dati.

Nakapag-ipon ako nang magsimulang magbago ang buhay ko. Nagpunta ako sa ibang bansa habang si tatay ang nagababantay sa anak ko, gusto niya daw kasi itong makasama kaya hinayaan ko na lang siya. Habang ako nag-aaral at nagta-trabaho sa ibang bansa para mas maging magaling pa.

"Mama. Ice-cream." Si Xerxes na naman, di ka talaga niya tatantanan hangga't hindi mo binibigay ang gusto niya pwera na lang talaga kung ipinagbabawal sa kanya.

"Yes, baby Xerxes. Upo ka na sa chair, dali." Umupo naman siya at pumunta na ako sa kusina para kumuha nang ice-cream para sa mga bata.

Hindi naging madali ang buhay ko nung nag-ibang bansa ako, galit pa ako nang mga oras na iyon. Wala akong makausap at wala din naman akong gustong kausapin. Nanatili akong mag-isa doon, naging kaibigan ko ang mga kapit-bahay ko doon at makalipas ang ilang linggo na pamamalagi ay inihanda ko na ang sarili ko para sa panibagong yugto nang buhay ko.

The Killer is My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon