Xander's POV
Ilang araw na ang nakalipas at hindi ko pa din matawagan si Chloe, ano na bang nangyari sa kanya? Matapos ang graduation day, nawalan na kami nang connection. Naiinis kasi ako sa sinabi niya.
Bakit si Cedric pa? Di hamak naman na mas gwapo ako doon?
Nakakapagtampo lang dahil ako madalas niyang makasama niya at ang kumag na iyon pa ang tumutok ng baril sa kanya. Dapat nga ay matakot siya doon, sa halip ay nahulog pa siya.
At ang mas kinaiinisan ko pa ay...
...kami dapat ang magkalaro sa larong gusto niya. Ngayon lang ako natalo nang kung sinong lalaki.
Hindi ko siya mahal, sa totoo lang parehas lang naman kami nang pinsan kong si Jaccob nang gustong gawin. Kaya lang din ako nagalit sa kanya dahil mauunahan na niya ako at hindi naman ako magpapatalo sa kanya.
Kailangan ko na talaga siyang mahanap bago pa maging sila ni Cedric.
"Xander." May biglang tumawag mula sa likuran ko nasa tapat ako nang bahay nila Chloe at mga kaibigan niya. Kanina pa ako nakatambay dito at inaantay na sagutin ang mga tawag niya.
"Sire?"
"Bakit nasa labas ka at hindi ka pumasok?" Sabi niya sa akin. Gustuhin ko mang pumasok ngunit parang wala naman doon ang hinahanap ko. Kaya walang dahilan para pumasok sa bahay nila.
"H'wag na. Paalis na din ako." Tumalikod na ako at binuksan ko ang pintuan ng kotse ko, sa ibang araw na lang ako babalik para makita si Chloe.
"Si Chloe ba hinahanap mo? Matapos nang graduation party nawala na siya dahil..." Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ng taong hinahanap ko. May alam ba siya kung bakit hindi ko matawagan si Chloe, at kung bakit hindi ko rin ito nakikita. Hinarap ko siya na ngayon ay malapit na sa akin.
"Anong nangyari?" May kinalaman ba siya? O baka naman siya na talaga ang dahilan. Uupakan ko talaga siya kung may nangyari kay Chloe.
"Nagaway kasi kami ni Chloe dahil tutol ako sa kanilang dalawa ni Cedric, kaya nawala na lang siya na parang bula. Hindi ko rin siya ma-kontak."
"Anong ginawa mo?"
"Pinagalitan ko siya, kaya nagwala." Sinuntok ko siya, dahil hindi maganda ang kutob ko. Ang babaw ba? Hindi naman kasi basta basta magwawala iyon, oo magagalit siya pero hind mawawala na lang ng biglaan.
Natumba na siya at sinipa ko pa ulit sa may tiyan, inapakan ko ang tiyan niya at kitang-kita ko ang pagdugo nang kanyang labi dahil sa pagsuntok ko. Diniinan ko ang pag-apak sa tiyan niya dahil tatayo siya. "Anong. Ginawa. Mo. Sa. Kanya?" Pagdidiin ko sa tanong ko na hindi niya sinagot ng maayos kanina.
"You want to know the truth, I fuck her hard! Nagalit siya, pero ayos lang dahil nagawa ko ang matagal ko nang pinaplano. Kami ang nababagay at mas magiging safe siya sa akin!" Inapakan ko ang tiyan nang pauulit ulit. Bwisit siya inunahan pa ako! Kailangan ko siyang maunahan sa paghahanap kay Chloe, alam ko namang ipapahanap niya ito. Tama nga ako, may ginawa siyang katarantaduhan!
-
Nagpalipas muna ako nang ilang araw at nagsimulang magmasid sa bahay nila ulit. Naiirita kasi ako sa pagmumukha ni Sire na ang sarap bangasan. Bwisit siya. Dapat ako 'yun eh! Ako dapat!
Pumasok ako sa bahay nila, wala pa naman tao ngayong oras. Siguro may mga lakad silang lahat. Mabuti naman. Isang dahilan kung bakit nakakapasok ako kaagad sa bahay nila ay dahil nagpagawa ako nang duplicate ng susi ng bahay nila. Hindi alam ni Chloe na nakuha ko iyong susi niya.
BINABASA MO ANG
The Killer is My Hero
Mystery / ThrillerWhat will you do, if you met your very own 'Hero'? What if, he is also 'The Killer'?